Sinasabi ng Ikalimang Hakbang, “Aminin sa Diyos, sa ating sarili, at sa ibang tao ang likas na pagkakamali natin. Ngunit ano ang eksaktong katangian ng aking mga pagkakamali? Ang mga nakakahiyang sandali ba, ang mga salitang nabanggit dahil galit, kasinungalingan?
Para sa akin, ang likas na katangian ng aking mga pagkakamali ay ang mga salitang hindi nasabi, ang mga palagay at baka-sakali na nagbubunga at nagiging dahilan ng aking mga saloobin. Kasama rito ang mga paniniwala na ang aking mga kakayahan ay hindi sapat, na hindi ako karapat-dapat na mahalin, at na nasasaktan ako ng sobra upang kahit kailanman ay gumaling. Kadalasan sa aking malalim na pagiisip, dumadating sa puntong nakapag-iisip ako ng mga bagay na sa palagay ko pinakapangit at mahina ako. Natututo akong suriin kung mayroon o walang katotohanan ang mga palagay na ito. Pagkatapos ay maaari kong simulang buuin ang aking buhay sa paligid ng isang mas makatotohanang, mas mapagmahal na paraan na pagtingin sa aking sarili.
Paalala Ngayon
Ang pamumuhay na may alkoholismo ay nagkaroon ng malaking bahagi sa aking kumpiyansa sa sarili. Resulta nito ay maaaring hindi ko makilala kung ilan sa aking mga pagkakamali ang nabuo dahil sa aking mapanirang pakiramdam . Iyon ang dahilan kung bakit ang Ikalimang Hakbang ay napakaliwanag at napakalinis. Kasama ang aking Mas Mataas na Kapangyarihan at ibang tao, maaari ko ring baguhin ang aking buhay.
“… Kung walang nakakakilala sa atin sa ating tunay na pagkatao, nasa panganib tayo na maging biktima ng ating sariling pagkamuhi. Kung mamahalin tayo ng isang tao na nakikita tayo bilang tayo, maaari nating simulang tanggapin ang ating sarili. Ang iba ay bihirang mag-isip na masama tayo tulad ng sa atin. “
Alateen-Hope for Children of Alcoholics