Sa loob ng ilang taon ay hindi ko na malaman kung ano ang dahilan ng aking paghihinagpis mula noong sumali ako sa samahang ito. Gusto kong sabihin na, “Ako ay tagapagpagaling, tagapagtaguyod, tagapangalaga, at tagapag-ayos.” Kahit sinasabi nila na ang ibang katangian ko ay hindi maganda pero ang mga ito ay kasalungat. Hindi ako naghahanap ng mga problema. Kundi ang aking layunin sa Al-Anon ay makapagbigay kabutihan.
Ang pagiging alkoholiko ng aking mahal sa buhay ang dahilan ng layunin kong ito para sa paggaan at paggaling ng kalooban. Higit pa ito sa ibinigay ng Al-Anon sa akin. Habang ako ay nagpapagaling at nagpapalago, napagtanto ko na hindi lang dapat pamumuhay ang buhay. Ang mga prinsipyo at hangaring ito ang nagpapunta kung nasaan man ako ngayon na nakakatulong ako sa iba.
Ngayon ay nagpapasalamat ako na miyembro ako ng Al-Anon, hindi lang ako sa iisang problema kundi sa lahat ay tumutulong ako magbigay ng solusyon na nakakatulong sa kanilang emosyonal, pisikal at ispiritwal na kalusugan.
Paalala Ngayon
Sa aking pagpapatuloy sa walang katapusang daan sa progresong ispiritwal ay palalawakin ko naman ang aking pananaw sa paggaling.
“Sa Al-Anon ay naniniwala ako na ang buhay ay sa paglago sa mental at ispiritwal.”
Ang Labindalawang Hakbang at mga Tradisyon