Categories
Pebrero

February 16

Sa isang buhawi, hindi lamang ang napakalaking hangin ang titingnan, kundi pati na rin ang mga bagay na makukuha ng hangin papunta sa iyong direksiyon. Kagaya ng buhawi, ang alkoholismo ay madalas nagbibigay din ng mga karagdagang problema, kabilang ang berbal, pisikal, at pang-aabusong sekswal, karamdaman, utang, pagkabilanggo, pagtataksil, at pati na rin kamatayan. Ang ilan sa mga problemang ito ay maaaring nakakahiya kaya hindi natin sinusubukan na pag-usapan. Pero sa Al-Anon, natutunan natin na parang sakit na rin ang ating mga sekreto. Hanggang sa mailabas natin ito sa liwanag, pinanatili tayo nitong nakakulong. Marami sa atin na pinakamagandang ibahagi ang ating mga sekreto sa taong ating pinagkakatiwalaan, isang tao na nakakaunawa sa sakit ng alkoholismo. Kahit gaano man tayo kawalan ng pag-asa, kakaiba, o nahihiya, may mga miyembro ng Al-Anon ang nakaranas na din ng kagaya ng sayo at handa silang makinig at tumulong sayo.

Categories
Marso

March 6

Tinutulungan ako ng Al-Anon na mapagtanto na walang sinuman ang makakalaman kung ano ang nasa aking puso, isip, at kaluluwa. Hindi ko matutugunan ang aking mga pangangailangan maliban na lang kung maipapaliwanag ko kung ano ang mga pangangailangan na iyon. Hindi ko rin maaasahan ang sinumang tao na matutugunan ang lahat ng mga pangangailangan na iyon, kahit na linawin ko ang mga ito. Kung ang unang taong hiningian ko ng tulong ay hindi maibigay ito, maaari akong magtanong sa iba. Inaalis nito ang presyur sa ating lahat.