Hindi ako magaling sa paggamit ng mga kasangkapan. Kailan lang ay tinuruan ako ng aking kaibigan na para mas matalas ang ngipin ng mga lagare ay lagyan muna ito ng langis para mas madaling putulin, kahoy man o bakal.
Napagtanto ko na ang pagkakatuto sa paglagay ng langis sa lagare ay parang na rin sa pagsunod sa programa ng Al-Anon. Kahit may halong pagdududa ay natututo naman ako. Alam kong ang programa ng Al-Anon ay nakakatulong dahil saksi ako sa naitulong nito sa mga tao na kagaya ko na solusyunan ang mga problema sa mga iba’t ibang sitwasyon. Sinubukan ko ang kanilang mga programa – natuto akong sundin ang kanilang Mga Hakbang – Al-Anon literature, islogan, pagpupulong at programa. Ang paggamit ng langis na ito ay hindi nito mababago ang mga maliliit na bagay sa aking buhay lalung-lalo na ang aking buong pagkatao. Ginagawa nito ang mga bagay na nakakatulong sa akin dahil dito ay natatanggal nito ang aking mga kabiguan at ito ang nakakapagbigay sa akin ng kasiyahan.
Paalala Ngayon
Ang pagkakaroon ng maayos at magandang pamumuhay ay mahirap abutin. Tinuruan ako ng Al-Anon kung paano mamuhay para aking maiwasan ang mga pagsubok sa buhay. Sa tamang kasangkapan, ang progreso ay mabilis makamtan.
“Matututo kang magsalita sa pagsasalita, mag-aral sa pag-aaral, tumakbo sa pagtakbo, magtrabaho sa pagtatrabaho; at matututo kang mahalin ang Diyos dahil sa pagmamahal. Ang kapangyarihan ng pagmamahal ang makakapagpadala sa iyong kasiyahan.”
Francis de Sales