Pinipilit kong matutunan ang paglayo. Ang pamumuhay ng may aktibong alkoholismo ay nakalilito, at ang ideya ng paglayo ay tila malabo. Ang alkoholiko sa aking buhay ay hindi mapakali sa pagtulog na halos bawat gabi ay nahuhulog siya sa kama. Alam kong tungkulin kong tulungan siyang bumalik sa kama. Isang gabi, pagkatapos kong dumalo sa pagpupulong ng Al-Anon, dumiretso ako sa kama at pinabayaan ko siyang matulog sa sahig. Tagumpay! nang magpunta ako sa aking susunod na pagpupulong sa Al-Anon, sinabi ko sa kanila, “Natutunan ko na rin sa wakas ang paglayo!” Ang paglayo ay may kasamang pag-ibig.
Tag: Detachment
February 12
Para sa akin, ang paglayo ay medyo madali sa mga kaswal na kaibigan, kung saan hindi ako masyadong napalapit ng emosyonal. Napansin ko na kapag lumayo ako, maaari akong makinig sa ibang mga tao na maging mapanuri o mapusok nang hindi apektado. Ngunit kung ang mga miyembro ng aking pamilya ay kumikilos sa parehong paraan, madalas na nasa isip ko ang kanilang negatibong pag-iisip. Ipinapakita sa akin ng aking sariling pag-uugali na mayroon akong pagpipilian tungkol sa aking pagtugon sa mga kalooban at ugali ng ibang tao.
Ano ang kinalaman sa kalooban, tono ng boses, o estado ng pagiging lasing ng ibang tao sa aking pagkilos Wala, maliban kung magpasya akong kabaliktaran nito.
Detatsment. Sa una ay maaaring ituring na malamig, inaayawan o tinatanggihan, at hindi kailanman mapagmahal na paraan. Ngunit dumating ako sa paniniwala na ang detatsment ay talagang isang kahanga-hangang biyaya: Dahil hinahayaan ko ang aking mga mahal sa buhay na magkaroon ng pribilehiyo at pagkakataon na kilalanin at maging totoo sa kanilang sarili.
Hindi ko nais na makasagabal sa pagkakataon ng sinuman na matuklasan ang kagalakan at tiwala sa sarili na maaring kasama ng mga personal na tagumpay. Kung patuloy akong makikialam para protektahan sila mula sa mga masasakit na karanasan, malaking kapinsalaan din ang ginagawa ko sa kanila. Tulad ng sinabi ni Mark Twain, “Ang isang tao na nagdadala ng pusa sa pamamagitan ng buntot ay natututo ng isang bagay na hindi niya matututunan sa ibang paraan.”
Masakit pagmasdan ang ibang tao na nagdurusa o hayaan silang tahakin ang daan na alam kong patungo sa tiyak na kasakitan. Marami sa aking mga pagtatangka na iligtas ang iba ay naudyukan ng aking pagnanais na maiwasan nila ang kasakitang ito. Ngayon inaaral kong maramdaman ang sarili kong takot, pagdurusa, at dalamhati. Nakakatulong ito sa akin na maging handa na pagkatiwalaan ang proseso ng paglago kahalintulad ng sa iba, dahil alam ko mismo ang tungkol sa mga biyayang hatid nito.
Paalala ngayong araw
Minsan ay mas mapagmahal na payagan ang ibang tao na maranasan ang natural na kahihinatnan ng kanilang mga aksyon, kahit na ito ay masakit para sa amin pareho. Sa katagalan, pareho kaming makikinabang dito. Sa araw na ito ay uunahin ko ang pagmamahal sa aking buhay.
“Ang kailangan ko lang gawin ay alisin ang aking pangingialam at buksan ang aking puso.”
In All Our Affairs
(Sa Lahat Ng Ating Mga Gawain)
Sa Al-Anon marami tayong pinag-uusapan tungkol sa pangangailangang hayaan ang iba na maranasan ang kahihinatnan ng kanilang mga aksyon. Alam natin na ang karamihan sa mga alkoholiko ay kailangang tumama sa “pinakailalim (bottom)” at maging hindi komportable sa kanilang sariling pag-uugali bago sila epektibong makagawa ng hakbang tungkol dito. Sa ating mga nagmamahal sa mga alkoholiko ay kadalasan kailangang matutong lumayo sa pinakailalim na ito. Matuto tayong lumayo nang may pagmamahal.
Isa pang dahilan sa paglayo na may pagmamahal ay maaaring kasinghalaga ng pagbuo ng malusog, mapagmahal, at magalang na relasyon. Marami sa atin ang nakikialam hindi lamang sa mga problema ng isang mahal sa buhay kundi pati na rin sa kanilang mga tagumpay. Maaaring mayroon akong magandang intensyon, ngunit kung aakuin ko ang mga responsibilidad ng ibang tao, maaari kong maagaw sa kanila ang pagkakataong pagtagumpayan ang isang bagay at maging maganda ang pakiramdam tungkol sa kanilang nagawa. Bagama’t sinusubukan kong tumulong, ang aking mga aksyon ay maaaring nagpapahiwatig ng kawalan ng paggalang sa mga kakayahan ng aking mga mahal sa buhay. Kapag lumayo ako ng may pagmamahal, nag-aalok ako ng suporta sa pamamagitan ng pagpapalaya sa mga pinapahalagahan ko upang maranasan ang kanilang sariling mga kasiyahan at pagkabigo.
Paalala sa Araw na Ito
Natututunan ko ang pagkakaiba sa pagitan ng tulong at panghihimasok. Ngayon ay susuriin ko ang paraan ng pag-aalok ko ng suporta.
“Ang detatsment ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng interes…. Itinuring ko ang detatsment na ‘paggalang sa katauhan ng iba.””
Al-Anon Hinaharap ang Alkoholismo (Al-Anon Faces Alcoholism)