Sa Al-Anon natututo tayong “Mag-isip” bago tayo sumabog sa galit at magparatang ng walang basehan. Natutunan nating magtimpi sa tuwing tayo ay natutuksong makialam sa mga bagay na hindi natin dapat pakialamanan. Nalaman natin ang halaga ng katahimikan.
Ngunit ang katahimikan ay maaaring maging mas masakit na kaparusahan kaysa sa paglabas ng ating saloobin. Ang sadyang pagwawalang-bahala sa isang tao na nagtatangkang makipag-usap ay walang pagkakaiba sa pakikipagsagutan ng galit. Ang pagngangalit na ipinahayag nang di-pasalita sa pamamagitan ng malamig na pakikitungo at mga pagdabog ay galit pa rin. Kapag hinahangad kong saktan ang ibang tao gamit ang katahimikan o anumang iba pang sandata na magagamit ko, palagi kong sinasaktan ang aking sarili.
Kung mayroon akong isang bagay na kailangan kong sabihin at hindi ko ito masabi sa isang mabuting paraan, marahil ay maaari akong pumunta sa isang pagpupulong sa Al-Anon o tawagan ang aking Sponsor at maglabas ng aking mga hinanakit sa kanila. Tatandaan ko na ang aking hangarin ay pagalingin ang aking sarili at ang aking mga relasyon sa ibang tao. Susubukan kong gumawa ng mga pagpipilian na susuporta sa mga layuni kong ito.
Paalala Ngayon
Ano ang mensahe ng aking katahimikan? Ngayon! susubukan ko na ihanay ang katahimikan ng aking dila sa isang katahimikan ng diwa.
“… Kung ang katahimikan ay mayroong kahit isang bakas ng galit o poot, nawwala ang lahat ng lakas nito. … Ang tunay na tahimik ay may kalidad ng katahimikan, pagtanggap, kapayapaan.”
Paisa-isang Araw at oras sa Al-Anon