Nabasa ko na ang mga bagay na kailangan mabilisan ay bihirang importante, at ang mga bagay na importante ay bibihirang mabilisan. Lagi nalang ako dumadaing sa mga karaniwang bagay na nakapagpalimot sa aking hangarin. “Una ang mga bagay na una”, ito ang Al-Anon islogan na nakatulong sa akin na malaman kung ano ang aking mga prayoridad.
Ngayon, ang pagkakaroon ng katahimikan ang aking unang prayoridad. Ang aking koneksiyon sa Diyos ang dahilan ng aking katahimikan kaya ito ang aking prayoridad. Kung iisipin ko na nasa isa akong madilim na silid at tanging Diyos laman ang aking pinagkukunan ng liwanag, kung gayon ang aking tanging pag-asa para lakbayin ang silid ay ang liwanag mula sa Diyos. Kung hindi ay mahihirapan akong kaharapin ito at maari ding makasakit sa akin ito.
Paalala Ngayon
Kapag iniisip ko kung anong gagawin sa araw na ito, naglalaan ako ng oras sa kung ano talaga ang importante.
“Gamitin natin ang araw na ito sa makabuluhang gawain at huwag mabahala sa kung anuman ang kakaharapin.” Henry David Thoreau