Gaano ko na ba kadalas hangarin na makamtan lahat ng aking pangarap ngunit nagsisimula palang ako ay sumusuko na ako sa kadahilanang baka ako ay mabigo? Pagpasok sa eskuwelahan, paglipat, paglakbay, pag-iba ng trabaho at marami pang iba ay parang napakalaki ng hangarin.
“Gawing simple lamang” ito ang lagging pinapaalala ng Al-Anon. Sa halip na tugunan ito ng minsanan ay simplehan na muna, paisa-isang hakbang lang na muna. Kaya kong kumuha ng maraming impormasyon, kaya kapag handa na ako ay ginagawa ko na ang aking proyekto. Bago ako magsimula ay sinisigurado ko na muna na lahat ng puwedeng mangyaring problema ay mayroon na akong solusyon at pagpigil.
Puwede kong gawin ang lahat at baguhin ito. Hindi ako gumagawa ng proyekto na alam kong hindi magiging kanais-nais ang kalalabasan sa aking layunin.
Ang aking mga plano ay maaaring maraming aksiyon at maraming pagsubok pero hindi naman mahalagang tugunan ito ngayon. Hawak ko ang oras ko at gumalaw ng dahan dahan ngunit sigurado. Sa pamamagitan ng pagtuon sa mga bagay isa-isa, ang imposible ay magiging posible kapag “Ginagawa itong Simple”.
Paalala Ngayon
Sa tulong ng Al-Anon at ng aking sarili, lahat ay kayang-kaya kong gawin kahit yung mga dati ko pang hindi ginagawa. Maari ko din makamtam ang gustuhin ng aking puso.
“Ang lahat ng kaluwalhatian ay mula sa tapang at walang takot na simula.”
Eugene Ware