Sa isang kamakailang pagpupulong sa Al-Anon, hiniling sa amin na punan ang patlang sa pahayag na ito: “Kung _________ lamang ang mangyayari, magiging masaya ako.” Marami sa atin ang natutukso na sagutin na tayo ay magiging masaya kung ang ating mga mahal sa buhay ay magiging matino o mapapangalagaan ang sarili mula sa pag-inum ng alak. Ngunit ang iba pang “kung sana” ay nagpapanatili din sa ating pakiramdam na pinagkaitan: Kung ang aking amo, pamilya, trabaho, gobyerno, pananalapi, ay magbago sa paraang gusto ko, magiging masaya ako. Naging malinaw na marami sa atin ay inilalagay ang ating kaligayahan sa mga bagay na hindi natin kontrolado.
Kategorya: Mayo
Minsan nagiging abala ako sa pagtitig sa aking mga problema kaya’t nawawala ang gabay na ibinibigay sa akin. Kapag handa na akong hayaan ang pangangailangang gawin ito nang mag-isa, maaari akong makinig sa iba at makatanggap ng direksyon mula sa aking Poong Makapangyarihan. Mas nagagawa kong kumilos sa kabila ng aking mga problema at nasisimulan ang paglutas ng mga ito.
Detatsment. Sa una ay maaaring ituring na malamig, inaayawan o tinatanggihan, at hindi kailanman mapagmahal na paraan. Ngunit dumating ako sa paniniwala na ang detatsment ay talagang isang kahanga-hangang biyaya: Dahil hinahayaan ko ang aking mga mahal sa buhay na magkaroon ng pribilehiyo at pagkakataon na kilalanin at maging totoo sa kanilang sarili.
Hindi ko nais na makasagabal sa pagkakataon ng sinuman na matuklasan ang kagalakan at tiwala sa sarili na maaring kasama ng mga personal na tagumpay. Kung patuloy akong makikialam para protektahan sila mula sa mga masasakit na karanasan, malaking kapinsalaan din ang ginagawa ko sa kanila. Tulad ng sinabi ni Mark Twain, “Ang isang tao na nagdadala ng pusa sa pamamagitan ng buntot ay natututo ng isang bagay na hindi niya matututunan sa ibang paraan.”
Masakit pagmasdan ang ibang tao na nagdurusa o hayaan silang tahakin ang daan na alam kong patungo sa tiyak na kasakitan. Marami sa aking mga pagtatangka na iligtas ang iba ay naudyukan ng aking pagnanais na maiwasan nila ang kasakitang ito. Ngayon inaaral kong maramdaman ang sarili kong takot, pagdurusa, at dalamhati. Nakakatulong ito sa akin na maging handa na pagkatiwalaan ang proseso ng paglago kahalintulad ng sa iba, dahil alam ko mismo ang tungkol sa mga biyayang hatid nito.
Paalala ngayong araw
Minsan ay mas mapagmahal na payagan ang ibang tao na maranasan ang natural na kahihinatnan ng kanilang mga aksyon, kahit na ito ay masakit para sa amin pareho. Sa katagalan, pareho kaming makikinabang dito. Sa araw na ito ay uunahin ko ang pagmamahal sa aking buhay.
“Ang kailangan ko lang gawin ay alisin ang aking pangingialam at buksan ang aking puso.”
In All Our Affairs
(Sa Lahat Ng Ating Mga Gawain)
Sino ako? Pagdating ko sa Al-Anon, akala ko alam ko na ang sagot sa tanong na iyon, ngunit natuklasan ko na ang lahat ng aking mga sagot ay luma na dahil matagal na akong tumigil sa pagtatanong sa aking sarili kung sino ako. Maaari kong sabihin sa iyo ang tungkol sa mga alkoholiko at lahat ng iba pa sa aking buhay-ang kanilang mga gusto at hindi gusto, opinyon, damdamin-ngunit wala akong ganoong mga sagot para sa aking sarili.
Ang pagpapakumbaba para saken ay isang konsepto na mahirap maunawaan. Itinuro mula pagkabata na unahin ang mga gusto at pangangailangan ng iba laging higit sa aking sarili, itinumbas ko ang pagpapakumbaba sa pangangalaga sa iba at pagbalewala sa sarili kong nararamdaman at pangangailangan. Sa Al-Anon nalaman ko na ang tunay na pagpapakumbaba ay hindi nakakahiya; hindi ito nangangahulugan ng pagpabaya sa sarili kong mga pangangailangan. Sa katunayan, ang pagpapakumbaba ay hindi nasusukat sa kung gaano kalaki ang aking ginagawa para sa ibang tao, kundi sa pamamagitan ng aking kahandaang gawin ang aking parte kaugnay ng aking relasyon sa Diyos ayon sa aking pagkakaunawa sa kanya. Nagsimula akong matuto ng pagpapakumbaba nung ginawa ko ang Unang Hakbang.
Natakot ako sa Ikalimang Hakbang, dahil ang ibig sabihin nito ay pagbunyag ng aking pinakamadilim na lihim sa ibang tao. Ako ay takot na tanggihan dahil sa pagiging hindi perpekto, naglagay ako ng labis na lakas upang itago ang katotohanan, kahit wala naman talagang tumatanggi sa akin, ako ay namumuhay na malungkot at nag-iisa.
Bakit nahihirapan akong tanggapin na ang alkoholismo ay isang sakit? Masisisi ko ba ang isang diabetic o isang pasyente na may cancer para sa kanilang mga sintomas? Syempre hindi. Alam kong hindi sapat ang lakas ng loob para talunin ang isang sakit. Kung ang mga alkoholiko ay maaaring huminto lamang sa pag-inom kung kailan nila gusto, marami na sanang tumigil noon pa man. Walang magandang maidudulot sa akin na makiusap, magalit, o mangatwiran sa tuberkulosis; Hindi ako mag-aaksaya ng aking oras sa pagsusumamo, pagmumura, o pangangatuwiran sa alkoholismo.
“Oo, pero…” Ang dalawang salitang ito ay naging hudyat sa akin na tinatanggihan kong tanggapin ang isang bagay na wala akong kapangyarihan. Ang mundo ko ay mayaman sa magagandang regalo: kagandahan, mapagmahal na samahan, at mga hamon na nagpapalakas at naghahanda sa akin para sa mas magandang buhay. Sulit ba na tanggihan ang mga biyaya na ito sa pamamagitan ng pagnanais na sana ay iba ang mga bagay? Magpapabago ba ito sa kanila? Hindi! Mas gusto kong tanggapin ang mga ito nang may kagalakan, masayang tamasahin ang mga ito nang lubusan, at buong kapakumbabaang tanggapin ang reyalidad na inaalok ng aking Poong Makapangyarihan nang walang anumang pag-aalinlangan tulad ng “oo, pero.”
Ang malupit na tono, ang masasakit na salita, ang maliwanag na pambabalewala ng iba ay karaniwang natatapos sa loob ng ilang minuto. Anong katumbas ang binabayaran ko sa kapalit sa ilang minutong iyon? Hindi ko kailangang gustuhin ang realidad para matanggap ito sa kanyang kakanyahan. Masyadong mahalaga ang araw na ito para sayangin sa sama ng loob patungkol sa mga bagay na hindi ko kayang mabago. Kapag natanggap ko na ang mga bagay sa kanyang kakanyahan. Ako ay nagiging matiwasay. Kapag ginugugol ko ang aking oras sa pagnanais na sana ay naiiba ang mga bagay, nalalaman ko na nawawala sa prayoridad ang aking katiwasayan.
Paalala Ngayong Araw
Bagama’t responsable ako sa pagbabago ng mga bagay na kaya kong baguhin, kailangan kong bitawan ang lahat kapalit ng katiwasayan ng isip. Para sa araw na ito, mamahalin ko ang aking sarili nang sapat upang isuko ang mga bagay na hindi ko kontrolado.
“Sa pamamagitan ng pagsuko maaari kang makakuha ng tagumpay.”
Ovid
Isang gabi, nagulat ako nang purihin ako ng isang miyembro. Hindi ako komportable sa pananalitang ito ng kabaitan, sa loob-loob ko ay hindi ako karapat-dapat dito. Nang sinubukan ko siyang kausapin patungkol sa kanyang mabubuting salita ng papuri, tumanggi siyang bawiin iyon. Iginiit niya na karapat-dapat ako sa kanyang papuri, at pati na rin ang iba. Napagtanto ko na napakababa ng aking pagpapahalaga sa aking sarili habang namumuhay kasama ang isang alkoholiko. Hindi ko man lang naisip na mayroon din palang maganda sa akin!
Iminungkahi ng aking Sponsor na gumawa ako ng isang listahan ng mga bagay na nagugustuhan ko tungkol sa aking sarili. Ito ay nakakailang at nakakahiya, at ang aking listahan ay napakaikli, subalit ito ang umpisa. Nang ibinahagi ko ito sa aking Sponsor, sumang-ayon siya sa bawat bagay na sinabi ko tungkol sa aking sarili, hindi nya ako hinayaan na kontrahin ang mga ito, nang sinubukan kong tumuon sa aking mga pagkukulang. Bilang resulta, natututo akong magustuhan ang aking sarili at makita na marami akong katangian na karapat-dapat na purihin.
Paalala ngayong araw
Ang isang paraan para matutong mahalin ang sarili ko ay tanggapin ang pagmamahal ng iba. Kahit na pakiramdam ko ay hindi ako karapat-dapat, maaari akong magpasalamat sa kabaitan ng iba. At kung may ikinalulugud man ako tungkol sa ibang tao, ay masasabi ko sa kanila. Ang isang maliit na kilos ay maaaring makatulong sa paghilom ng isang nasasaktang kaluluwa.
“Narinig ko ang mga tao sa Al-Anon na nagsabing naibalik nila ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, wala akong kahit ano sa aking buhay, kaya isang ganap na bagong pakiramdam na magustuhan ang taong tinatawag na ‘ako.”
Sa Aming Pagkakaunawa…
(As We Understood…)
Ako ay lubos na nagpapasalamat na mapabilang sa isang samahan na kung saan ang bawat isa ay nagsasalita para sa kanyang sarili. Ang Al-Anon ay walang tagapagsalita, walang awtoridad na nagsasabi kung ano ang “aming” karanasan. Ako lang ang makakapagkwento.
Talagang nakakaginhawa ang maging bahagi ng isang grupo ng mga tao na may kaparehong problema at pakiramdam. Bagama’t marami tayong pagkakatulad, ang bawat miyembro ng Al-Anon ay may natatanging karunungan na maiaalok. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng karanasan, lakas, at pag-asa, natututo tayo sa kanya-kanyang paraan kung paano ginamit ng mga kapwa miyembro ang programang Al-Anon sa kanilang mga sitwasyon. Kunin ang ating nais at iiwanan ang iba, ang bawat isa sa atin ay may kalayaan na makinabang mula sa kanya-kanyang diskarte para makamit ang pare-parehong layuning gumaling mula sa mga epekto ng alkoholismo. Kaya kapag nagbabahagi ako sa isang miting, sinisikap kong iwasan ang mga parirala tulad ng, “Ito ay isang problema para sa atin” o “Kami ay may posibilidad na gawin iyon.” Sa halip, tinitingnan ko ang pagbabahagi bilang isang pagkakataon upang makita ang aking sarili nang mas malinaw.
Paalala ngayong araw
Ngayon ay magsasalita ako para sa aking sarili, sigurado sa katotohanan na ako ay sinusuportahan ng isang samahan ng mga kalalakihan at kababaihan na nakakaunawa na marahil ay kakaunti ang nakakaunawa.”
“Ang aming paggaling ay makikita sa aming kakayahang sabihin ang aming sariling kuwento hindi ang tungkol sa isang alkoholiko o ibang miyembro ng Al-Anon o Alateen.”
Bakit Anonimidad sa Al-Anon?
(Why Anonimity in Al-Anon?)
Gumugugol ako ng mas maraming oras sa aking sarili kaysa sa iba, Hindi ba’t makatuwiran lamang na maglaan ng kaunting lakas sa pagsasaayos ng aking relasyon na maging kaaya-aya hangga’t maaari? Hindi mapipigilan ng ibang tao ang aking nararamdamang kalungkutan, ngunit ang aking panloob na kahungkagan ay maaaring mapunan. Kaya kong pahalagahan at pakisamahan ang aking sarili. Ako ay isang kapaki-pakinabang na kasama.
Isa sa mga ilusyong ibinahagi ng marami sa atin na naapektuhan ng alkoholismo ay ang ibang tao lamang, kadalasan ang alkoholiko, ang maaaring magpuno sa kahungkagang na iyon sa loob natin. Kung mas atentibo lang sana siya, kung naging matino lang siya, kung kasama ko lang sana sila ngayon, hindi ako nalulungkot. Ngunit marami sa atin ang nananatiling malungkot kahit na nakamit ang mga kundisyong iyon.
Ngayon, kapag ako ay mag-isa, malalaman ko na ako ay nasa mabuting kasama. Nung huminto akong iasa sa iba na matugunan ang lahat ng aking mga pangangailangan, nakahanap ako ng mga bago at kapana-panabik na paraan upang sumaya at magalak sa aking pakikipagkaibigan sa aking sarili. At kapag ako ay nalulungkot, mayroon akong ginhawa at suporta ng isang Poong Makapangyarihan na hindi ako iniiwan.
Paalala ngayong araw
Ngayon ay gugugol ako ng ilang oras upang tuklasin ang pinaka-matalik na relasyon ng tao na magkakaroon ako-ang aking relasyon sa aking sarili.
“Anung kay gandang sorpresa na matuklasan kung gaanong hindi nakakalungkot ang mapag-isa.”
Ellen Burstyn
Maraming mga pagkakataon na nagdududa ako sa pagkakaroon ng anumang bagay na nagmamalasakit sa kung ano ang nangyayari sa mundong ito, lalo na sa aking buhay. Ang pagiging agnostiko, madaling dumarating sa akin ang pagdududa; ang paniniwala ay mahirap.
Ngunit pagkatapos ay naiisip ko kung paano ako ginabayan ng isang tao sa Al-Anon noong ang aking buhay ay nasa pinakamadilim. Naiisip ko ang mga pagkakataong ang mga salita at musika ng ilang kanta ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay kung saan mas madaling sumuko. Naaalala ko na ako ay pinasisigla ng katapatan ng mga tao na nagbabahagi ng kanilang pinakamalalim na kaisipan sa mga pulong sa Al-Anon linggu-linggo, taon-taon. Batid ko na, sa kaibuturan ko, may bahagi sa akin na nagnanais kung ano ang makabubuti para sa akin, na nagtutulak sa akin na hanapin ang kapayapaan, kaligayahan, direksyon, at kabuuan sa ng buhay ko. At nagdududa ako sa aking mga pagdududa.
Paalala Ngayong Araw
Kapag pakiramdam ko malayo ako sa Poong Makapangyarihan, kailangan kong makinig nang mabuti.
Nakikinig ako sa mga pulong, nakikinig ako ng musika, nakikinig ako sa karunungan na hatid ng ating literatura, at sinisikap kong maging bukas sa aking naririnig. Hindi ko alam kung saan magmumula ang isang mensahe.
“Paminsan-minsan tingnang mabuti ang isang bagay na hindi ginawa ng mga kamay-ang bundok, ang bituin, ang pagliko ng isang batis. Darating sa iyo ang karunungan at pasensya at kaginhawahan at, higit sa lahat, ang katiyakan na hindi ka nag-iisa sa mundo.”
Sidney Lovett
Mas madali kong ipagsapalaran ang paggawa ng mga desisyon kapag huminto ako sa pag-iisip tungkol sa pagdurusa sa mga kahihinatnan at tandaan na mayroon akong opsyon na tamasahin ang mga kahihinatnan. Mula nang pumunta ako sa Al-Anon, mas tapat akong gumagawa ng aking mga pagpipilian. Ginagawa ko ang anumang hakbang na tila naaangkop at pagkatapos ay ibinabalik ang mga resulta sa Diyos. Ang mga resulta ay kadalasang medyo paborable. Kahit na hindi sila, maaari ko pa ring ipagdiwang ang katotohanan na nagawa ko ang aking bahagi.
Sa mahabang panahon ay umiwas ako sa mga desisyon dahil sigurado ako na mayroong ilang mahiwagang “tama” na pagpipilian na makakakuha sa akin ng gusto ko, ngunit tila hindi ko alam kung aling pagpipilian iyon. Naghintay ako hanggang sa huling minuto para magpasya at hindi ako naging maganda sa aking mga pinili. Ngayon alam ko na ang pagpili na huwag magdesisyon ay magpasya.
Ito ay maaaring maging lubhang mapagpalaya upang makagawa ng isang desisyon. Kapag nagawa na ang pagpili, mapagkakatiwalaan ko na ang mga kahihinatnan ay lalabas ng ayon sa nararapat. Sa bahagyang pagbabago ng ugali, marahil ay maaari ko silang hintayin nang may pananabik at pag-asa sa halip na takot at pangamba.
Paalala ngayong Araw
Ngayon ay magkakaroon ako ng pananampalataya sa aking kakayahang kumilos. Kapag ang oras ay tila tama, gagawin ko ang pinakamahusay na pagpipili na aking magagawa at hahayaan ang aking sarili na tamasahin ang mga resulta.
“Minsan ang ating sigasig para sa pagbabago ay nakasalalay sa ating pagpayag na makipagsapalaran sa kinabukasan sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran ng kung ano ang mayroon tayo ngayon.”
Pamumuhay nang may Kahinahunan
Ang rekoberi ng Al-Anon ay isang disiplina na nangangailangan ng sipag, pasensya, at dapat ay tuloy-tuloy para sa pinakamagandang resulta. Ang regular na pagdalo sa mga pagpupulong, paggawa ng mga hakbang, at pagsunod sa mga prinsipyo ng Al-Anon sa bawat sandali araw-araw ay magdudulot ng mas buo at mas kasiya-siyang buhay.
Minsan nakikita natin ang resulta ng ating mga pagsusumikap, habang sa ibang pagkakataon ay nararating natin ang talampas at tayo ay natitigilan. Kung ipagpatuloy natin ang paghakbang ng isang paa sa harap ng isang paa at patuloy na gagawin ang programa, makikita natin na ang lahat ng talampas ay may katapusan. Nang marating na natin ang hangganan ng ating pasensya, tila bumukas ang isang pintuan at bigla nalang tayong lumukso nang pasulong. Nakita natin na wala sa mga panahong lumipas ang nasayang; bagama’t hindi natin alam, tahimik nating nananamnam ang programa. Karamihan sa atin ay nalaman na ang mga resulta ay sulit sa ating paghihintay.
Paalala ngayong araw
Nakikita ko man o hindi ang mga agarang benepisyo, ngayon ay pinipili kong patuloy na bumalik.
“Ang pasensya ay ang susi sa paraiso.”
Kawikaan ng mga Turko
Noong una akong dumating sa Al-Anon, nagtaka ako sa palitan ng mga yakap na nakita ko. Nagmamadali akong lumabas ng pinto pagkatapos ng pagpupulong para iwasan sila. Hindi ko maisip kung bakit lahat ng mga mukhang kagalang-galang na mga tao ay nagkakaganito. Walang ganoong pagpapakita ng pagmamahal sa aking pagkabata, at wala rin sa aking pangmatandang tahanan. Ang tanging uri ng haplos na alam ko ay negatibo.
Ang mga tao sa Al-Anon ay matiyaga sa akin kahit na tinatanggihan ko ang kanilang mga yakap. Inanyayahan nila akong laging bumalik. Iginagalang nila ang aking mga hangganan at hindi hinuhusgahan o kinuwestiyon ang aking pangangailangan ng espasyo. Ang mga indibidwal na miyembro ay nakaupo sa tabi ko habang ako ay umiiyak at natutuwa kapag ako ay tumatawa. Ang mga ganap na estranghero ay nag-aalok ng kanilang karanasan, lakas, at pag-asa sa akin na tila ba isa akong matalik na kaibigan.
Sa ligtas at mapag-aruga na kapaligirang ito, napagtanto ko na maraming iba’t ibang mga pagpapahayag ng walang kondisyong pagmamahal. Ipahayag ko man o hindi ang pagmamahal sa pisikal na paraan, makakahanap ako ng katiyakan, kaginhawahan, at lakas sa tuwing ang mga miyembro ng Al-Anon ay nag-aalok sa akin ng kanilang suporta. Ngayon ay naghahanap ako ng mga paraan upang maipahayag din ang aking pagmamahal sa iba.
Paalala sa araw na ito
Hindi ko hahayaan ang mga lumang takot na ilayo ako sa suporta na nakahanda para sa akin. Ako ay karapat-dapat sa pagmamahal at paggalang.
“Ang pagmamahal ay hindi gantimpalang pampalubag-loob, ito ay liwanag.”
Simone Weil
Sinasaad sa Ikawalong Tradisyon na “Ang pagtatrabaho ng Labindalawang Hakbang ng Al-Anon ay dapat na manatiling hindi propesyonal magpakailanman . . .” Nagsasama-sama tayo bilang isang samahan ng magkakapantay, na kung saan walang namamahala at walang eksperto. Ang bawat miyembro ay maaaring mag-ambag sa nakapagpapagaling na kapangyarihan ng ating programa sa pamamagitan lamang ng pagbabahagi ng kanyang personal na kuwento ng karanasan, lakas, at pag-asa. Walang espesyal na pagsasanay o kwalipikasyon maliban sa pagiging miyembro ang kailangan, o ninanais.
Ang buhay ay hindi laging maayos o mapayapa, kahit na nais kong mangyari ito. Noong dati, kapag may bagay na bumabagabag sa akin, ako ay magwawalang kibo imbis na harapin ang isang argumento. Tila mas mabuti para sa akin na sumama ang loob kaysa subukin na sumama ang loob ng ibang tao. Ang resulta ay karaniwang nakapipinsala. Nagiging magagalitin ako at nawawala sa katwiran kapag hinahayaan kong lumala ang sama ng loob.
Sa nakaraan, sa tuwing may hindi sumasang-ayon sa akin ay tinatanggap ko ito bilang isang personal na kabiguan. Kung nakahanap lang sana ako ng tamang salita, damit, opinyon, paaralan, trabaho, tahanan, kaibigan, o katipan, napabilang na sana ako.
At paano nagpakita sa akin ang iba? Masaya at may tiwala sa sarili-parang nasa kanila ang lahat ng sagot. Ngunit dahil sa maskara na isinuot ko, naisip ng mga tao na ako ay madaling pakisamahan at masaya din. Kung maaari silang magkamali tungkol sa tunay kong nararamdaman, hindi ba ako magkakaroon ng ilang mga maling ideya
tungkol sa kanilang nararamdaman? Kung tutuusin, hindi naman pwedeng ako lang ang gumawa ng magandang kilos. Hindi ba’t ikinukumpara ko ang aking loob sa labas ng ibang tao?
Sa Al-Anon nalaman ko na maaaring hindi sumang-ayon sa akin nang hindi nagkakamali ang sinuman sa amin. Hindi kailangang mayroong mali, pwede tayong maging akma lahat, kung anu man tayo.
Paalala sa Araw na ito
Kung magkukumpara ako, talo ako. Siguro sa pagkakataong ito ay lalabas na akong mas mabuti kaysa sa isang tao, ngunit sa susunod ay magiging mas malala ang pakiramdam ko. Ang pinakamahusay na paraan upang ihinto ang pakiramdam na hindi ako sapat ay ihinto ang lahat ng paghahambing.
“Unti-unti, napagtatanto natin sa ating mga pagpupulong na ang karamihan sa ating paghihirap ay nagmumula sa ating mga saloobin.”
Pag-unawa sa Ating Sarili at Alkoholismo
MAYO 20
Tulad ng alkoholismo, ang labis na pag-iisip ay maaaring maging labis na hawakan. Ang pinakamabuting pag-asa ko sa pakikipaglaban dito ay hindi ang magsimula, dahil sa sandaling nagsimula, ito ay nagiging singaw at nagiging mas mahirap na harangan.
Bago kumapit ang labis na pag-iisip, kadalasan ay may isang punto kung saan kailangan kong pumili. Maaari akong magpasyang makipaglaro sa isip sa isang paksang nakaisip sa aking bihag sa nakaraan at samakatuwid ay mapanganib. O maaari kong makilala ang panganib at subukang tanggalin ang anumang pag-iisip ng paksa sa aking isipan, nagdarasal para sa tulong ng aking Mas Mataas na Kapangyarihan. Maaari akong makipag-ugnayan sa isang miyembro ng Al-Anon para sa suporta bago harapin ang isang paksa kung saan ako ay mahina, upang ang aking mga iniisip ay hindi magkaroon ng pagkakataong maikandado sa aking isipan.
Gagamitin ko ang kapangyarihan ng pagpili sa pamamagitan ng pagtanggi sa paanyaya ng mga nakakahumaling na pag-iisip. Kung hindi ko sila kukunin, hindi ko na sila pakakawalan.
Paalala sa araw na ito
Natututo akong bigyang pansin ang aking pag-iisip. Kung mayroong isang bagay na hindi ko maisip nang hindi nahuhumaling, igagalang ko ang katotohanang iyon at kikilos nang naaayon. Iipon ko ang lakas at suporta ng aking programang Al-Anon, ng aking mga kaibigan, at ng aking Mas Mataas na Kapangyarihan bago ko subukang mangatuwiran. At kung ito ay walang kinalaman sa akin, hindi ko ito kukunin lahat.
“Kung inaayos mo ang iyong isip gamit ang iyong isip, Paano mo maiiwasan ang isang napakalaking kalituhan?”
Seng-ts’an
Kapag ginawa ko ang Ikapitong Hakbang (“Mapakumbabang hiniling sa Kanya na alisin ang ating mga pagkukulang”), mahinahon akong humihingi ng tulong. Hindi ako namamalimos o humihingi; Hindi ako umimik o nagpupumiglas. Hindi ko kailangan panghinaan ang sarili ko, at wala akong mapapahanga.
Iniisip ko noon na kung titingnan ko nang mabuti ang aking sarili, mapapatunayan ang aking mga lihim na takot: makikita ko na ako ay walang pag-asa na may depekto at hindi karapat-dapat. Ipinakita sa akin ni Al-Anon na kung haharapin ko ang mga epekto ng alkoholismo sa pamamagitan ng paggawa ng Mga Hakbang, ang paniniwalang ito ay maglalaho. Makikita ko na ang katotohanang iniwasan ko ay ang aking panloob na kagandahan.
Minsan ang pinakamalusog na bagay na magagawa ko para sa aking sarili ay ang aminin na hindi ako perpekto. Ako ay tao. Ako ay nagkakamali.
Ngunit hindi laging madaling aminin ito sa ibang tao, lalo na kapag naapektuhan sila ng pagkakamali ko. Ang pagpapanggap na hindi nangyari ang isang bagay, o na hindi mahalaga, o pagbibigay-katwiran sa aksyon ay tila higit na nakakaakit sa akin. Ngunit may kabayaran kung tatanggi akong mag-ari kapag nagkamali ako.
Sa mga salita ni Socrates, “Ang buhay ay naglalaman ng dalawang trag edies. Ang isa ay hindi upang makuha ang nais ng iyong puso; ang isa ay upang makuha ito.’
Pagsasalin: Ang aking kalooban ang nagdadala sa akin sa gulo. Nilalayon ko ang ilang layunin o iba pa, ngunit kahit na nakuha ko ito, bihira akong nasisiyahan. Hindi nito ginagawang kumpleto ang buhay ko, kaya itinaas ko ang ante, nagtakda ng bagong layunin, at nagpupursige pa. O hindi ko nakukuha ang gusto ko at nararamdaman kong hindi sapat o pinagkaitan. Marahil iyon ang dahilan kung bakit wala ni isa sa Labindalawang Hakbang ang nag-uusap tungkol sa sasakyan na nagpapatupad ng aking kalooban.
Ang isang pulong sa Al-Anon ay kung saan ako ay malamang na isang tapat na sagot sa tanong na, “Kumusta ka?” Nakakapanibago ito sa akin, dahil sa mahabang panahon ang tanging posibleng sagot ko sa tanong na ito ay, “Ayos lang ako, kamusta ka?”-kahit noong hindi pa ako ayos. para makuha
Ang pagtanggi ay isang sintomas ng mga epekto ng alkoholismo. Tulad ng madalas na itinatanggi ng mga alkoholiko ang kanilang mga problema sa pag-inom, marami sa atin na naapektuhan ng sakit na ito ay itinatanggi din ang ating mga problema. Bagama’t maaaring tayo ay namumuhay sa kaguluhan, nag-aalala tungkol sa ating mga pamilya, puno ng pagdududa sa sarili, at espirituwal, emosyonal, at pisikal na nauubos, marami sa atin ang natutong magpanggap na ang lahat ay ayos lang.
MAYO 26
Madalas kong subukan na iwasan ang paulit-ulit na mga pagkakamali sa pamamagitan ng paggawa ng mahigpit na mga pamantayan para sa aking pag-uugali. Bagama’t natututo ako mula sa karanasan, hindi ko kayang planuhin ang bawat sitwasyon na maaaring mangyari sa hinaharap. Ang pagsisikap na gawin ito ay naglilimita lamang sa aking mga maaaring gawin. Kapag nawala ako sa ganitong limitadong pag-iisip, ipinapaalala sa akin ni Al-Anon na panatilihin ang bukas na kaisipan.
Natutuwa ako, dahil patuloy akong nagbabago. Patuloy kong kailangang bitawan ang mga lumang ideya kapag ang mga ito ay hindi na nakakatulong sa akin. Kung hindi man ako masyadong naging malapit kanino man, isang paraan para harapin ang buhay, ay ang pag-aadjust sa pagbabago nang may kaunti na lamang na tensyon at pagpipigil.
Habang nagsasanay ako na panatilihin ang bukas na kaisipan, may posibilidad akong makakita ng mga tao na may kakayahan din umangkop sa kanilang pag-iisip, at tinutulungan namin ang isa’t isa na makakita nang mas malinaw. Gaya ng sabi ng isang kaibigan, “Hindi natin nakikita ang mundo kung ano ito. Nakikita natin ang mundo kung ano tayo.”
Paalala sa araw na ito
Habang lumalago ako, patuloy akong natututo at makalimot, pinapalitan ang mga lumang ideya ng mga bago at binabawi ang iba na itinapon na sa tabi. Sa araw na ito ay tinatanggap ko ang daloy ng impormasyon na magpapalusog at magpupuno sa akin habang ako ay nagiging mas ganap sa aking sarili.
“Ang panatilihin ang ating mga mukha patungo sa pagbabago at kumilos tulad ng mga malayang espiritu sa presensya ng kapalaran ay lakas na hindi matatalo.”
Helen Keller
May mga araw na nadama ng marami sa atin na hindi na mauulit ang magagandang panahon. Matapos ang napakaraming pagkabigo, tila napakasakit na patuloy na umasa. Isinara natin ang ating mga puso at isipan sa ating mga pangarap at huminto sa pag-asa na makakatagpo ng kaligayahan. Hindi kami naging masaya, pero at least hindi na kami pababayaan.
Narinig ko na sinabi na ang tanging wastong paghahambing ay sa pagitan ng aking sarili bilang ako at ang aking sarili tulad ng dati. Kapag naiisip ko ang Ikalawang Hakbang at ang pagpapanumbalik sa katinuan, naiisip ko ang gayong paghahambing.
Worry and fear can alter our perceptions until we lose all sense of reality, twisting neutral situations into nightmares. Because most worry focuses on the future, if we can learn to stay in the present, living one day or one moment at a time, we take positive steps toward warding off the effects of fear.
Bilang resulta ng pamumuhay sa isang sambahayan kung saan inabuso ang alkohol, ang konsepto ng pagiging banayad sa aking sarili ay para sa eign. Ang pamilyar ay nagsusumikap para sa pagiging perpekto at napopoot sa aking sarili sa tuwing kulang ako sa aking mga layunin.
Ang mga alamat ay madalas na nagsasabi ng mga espirituwal na paglalakbay kung saan ang bayani ay kailangang harapin ang mga malalaking hamon bago makakuha ng kayamanan sa pagtatapos ng paglalakbay. Bilang mga bayani ng sarili nating mga kuwento, kami sa Al-Anon ay nagsimula na rin sa isang espirituwal na paglalakbay-isa ng pagtuklas sa sarili.