Dati ay nasasaktan ako kapag tinitingnan ako ng may galit, tinataasan ng boses o kaya hindi ako kinakausap. Sa Al-Anon ko nalaman na ang tingin, tono, o kondisyon ng tao ay walang kinalaman ang mga ito sa aking sarili. Karaniwan ay dahil kung ano ang nararamdaman ng ibang tao.
Bakit nga ba nasasaktan pa rin ako? Napag-isip-isip ko na aking pagiging sensitibo is isang anyo ng kathang-isip – na sa tingin ko ako ang tampol ng lahat ng aksyon. Napakaimportante ko ba na kung ano ang nangyayari sa aking paligid ay mayroong kinalaman sa akin? Sa tingin ko ang aking katangian ang dahilan ng aking kayabangan sa halip na kaayusan. At ang kayabangan na ito ang aking kailangan baguhin sa aking sarili.
Dahil sa tulong ng Al-Anon ay unting-unting nababawasan ang lahat ng aking pagdaramdam. Sinubukan kong tanungin ang aking sarili, “Gaano ba kaimportante ito?” Kapag iniinda ko ang sakit ay mas lalo akong nasasaktan at nababalisa.
Paalala Ngayon
Ang ibang tao ay importante sa akin at minsan ang kanilang opinyon ay mahalaga, pero walang kinalaman ito sa akin. Ang pagbibigay ko ng opinyon sa aking sarili ay natutunan kong tanggapin ang mga sinasabi ng ibang tao sa akin ng hindi nila ako pinapakialamanan.
“Ang pagdalo sa mga pulong at babasahin ng Al-Anon ang gumising sa akin na ang ginagawa ng tao ay nagsasalarawan sa kanila; ang ginagawa at sinasabi ko ay ang naglalarawan sa akin.”
Mamuhay ng Mahinahon.