Habang nagtatrabaho ako patungo sa Hakbang Apat, inilista ko ang aking mga ugali at karakter ng matapat at walang takot hangga’t maaari. Ako ay tinamaan ng isang malaking kabalintunaan: Maraming bagay ang naisip ko dati bilang mga nakasanayan na — pag-aalaga ng lahat na nasa paligid ko, pag-aalala tungkol sa buhay ng ibang tao, ang pagsakripisyo ng aking sariling kaligayahan at kaunlaran ay naging sanhi ng aking sairiling pagdurusa! At ang mga ugaling iyon na palagi kong hindi pinapansin – mga talento,pagiging optimismo, disiplina sa sarili ay naging aking tunay na positibong mga katangian. Ito ay parang, sa pamamagitan ng lakas ng Hakbang na ito, nakakita ako ng isang paraan upang buksan ang aking baligtad na pagkatao sa katinuan.
Nagpupumilit pa rin akong pigilan ang lahat mula sa posibilidad na mangyari uit ang mga nakaraan. Ngunit kapag nakikita ko nang ang aking sarili, nagkakaroon ako ng pakiramdam ng kabuuan at pakiramdam ng katapangan at kapayapaan. Maaari akong maging masaya sa pagiging ako, ngayon na alam ko kung sino talaga ako.
Paalala Ngayon
Ang aking buhay nasa estado ng patuloy na pagbabago. Pinapayagan ako ng kamalayan na makasabay sa pagbabago na iyon. Ngayon hahayaan ko ang aking sarili na makinig sa aking mga salita at panoorin ang aking mga aksyon. Sa pamamagitan lamang ng pagkakilala sa king sino ako ay makakalikha ako ng taong nais kong maging.
“Ang bawat tao ay dapat tumingin sa kanyang sarili upang turuan siya ng kahulugan ng buhay. Hindi ito isang bagay na natutuklasan: ito ay isang bagay na hinuhubog.”
Antoine de Saint-Exupery