Sa loob ng mahabang panahon ay sinubukan kong pakawalan at hayaan ang Diyos na gawin ang lahat pero hindi ko ito kaya. Kailangan kong makahanap ng konkretong paraan para makawala. Sa isang pagpupulong ay may nagbahagi na nakita niya ang kanyang mga mahal sa buhay sa isang magandang karagatan na nagpapainit sa liwanag ng nasa itaas.
Tinuruan ako ng Al-Anon na sundin ang aking kagustuhan. Hindi ko man maiugnay ang aking sarili sa eksena sa dagat pero nakaramdam naman ako ng kaginhawaan sa ideyang ito. Muli, ang karanasan, lakas at pag-asa ko sa isa na namang miyembro ng Al-Anon ang nagbigay sa akin ng kasagutan sa aking tanong sa sarili. Nakikita ko na ang aking mga mahal sa buhay na nababalot ng isang kumot na nagbibigay ginhawa at pagmamahal sa kanila. Masasabi kong importante ang pagiging tiyak. Kung sabagay ang aking mga pangamba at takot ay aking natitiyak. Ang larawan ng aking mga mahal sa buhay ang nagbibigay lakas sa akin na pakawalan at hayaan ang Diyos na gawin ang lahat.
Paalala Ngayon
Kailangan ko ang tulong Diyos kapag ako ay nababalisa tungkol ibang tao. Ang pagpapadala sa takot ang nagpapabahala sa akin pero ang pag-alala sa aking mga mahal sa buhay ang nagpapalaya sa akin nito.
“Magpalaya at hayaan ang Diyos”… ang nagturo sa atin na pakawalan lahat ng problema na nagpapabahala sa atin dahil hindi natin kaya itong solusyonan ng mag-isa.”
Ito ang Al-Anon.