Categories
Enero

January 1

Tayo’y naninirahan sa isang lipunan na sanay sa instant na kasiyahan: instant kape, instant agahan, instant na pera galing sa local atm – kahit saan tayo tumingin! Kaya naman hindi nakagugukat na marami sa atin ang kumakatok sa pintuan ng Al-Anon na naghahanap ng agarang solusyon sa lahat ng problema na kaakibat ng pamumuhay at pagmamahal sa isang alcoholic.

Categories
Enero

January 3

Sinusulat ko ang kwento ng aking buhay sa araw-araw. Papunta ba ako sa isang positibong direksyon? Kung hindi, marahil kailangan kong gumawa ng ilang mga pagbabago. Wala akong magagawa upang baguhin ang nakaraan maliban sa ihinto at maulit muli ito sa kasalukuyan. Ang pagpunta sa mga pagpupulong sa Al-Anon at pagsasanay ng mga prinsipyo ng programa ay ilan sa mga paraan kung saan ako nakakawala sa hindi malusog at hindi kasiya-siyang pagganap ng nakaraan.

Categories
Enero

January 4

Nang una kong matagpuan ang Al-Anon ay desperado ako at malungkot. Inaasam ko ang kapayapaang taglay ng ibang tao sa mga pagpupulong. Sa tuwing ibinahagi ng mga miyembro ang tungkol sa mga kasangkapan na gumagana para sa kanila, binibigyan ko ito ng pansin.