Categories
Enero

January 4

Nang una kong matagpuan ang Al-Anon ay desperado ako at malungkot. Inaasam ko ang kapayapaang taglay ng ibang tao sa mga pagpupulong. Sa tuwing ibinahagi ng mga miyembro ang tungkol sa mga kasangkapan na gumagana para sa kanila, binibigyan ko ito ng pansin.

Categories
Enero

January 18

Nang una kong marinig na ang pinakamahusay na paraan upang matulungan ang isang alkoholiko ay magtuon sa aking sarili, naisip kong ang Al-Anon ay isang walang pusong lugar kung saan pipilitin kong ihinto ang pagmamalasakit sa aking mga mahal sa buhay. Napagpasyahan kong hindi na bumalik, ngunit may nagbahagi sa akin na nakapag-pabago ng aking isip. Sinabi niya na kahit na ang pagnanais na tulungan ang ibang tao ay maaaring maging masigasig at mahabagin, ang aming mga dating paraan ng “pagtulong” ay maaaring hindi talaga nakatutulong. Nag-aalok ang Al-Anon ng isang bagong paraan upang makatulong.

Categories
Pebrero

February 4

Minsan kapag hindi ako nasisiyahan sa aking sitwasyon, pakiramdam ko’y pinarurusahan ako ng Diyos. Muli ay nawala ang aking imahe ng isang mapagmahal na Diyos at kailangan kong bawiin ito.

Categories
Pebrero

February 13

Ang bawat snowflake ay magkakaiba. Ang bawat thumbprint ay magkakaiba. Ang bawat tao sa Al-Anon ay magkakaiba sa kabila ng magkakaparehong problema na pinagsasama-sama tayo.

Categories
Pebrero

February 21

Salamat sa Tradisyon ng Al-Anon, nagkaroon ako ng isang Isponsor na ang kanyang politika ay hindi kaaya-aya sa akin. Bagaman hindi kami magkasundo sa mga ibang isyu, tinulungan ako ng taong ito na matuto ng mga mahahalagang aral tungkol sa katahimikan, tapang, at karunungan. Kung pipilitin ko ang isang Sponsor na mayroong pananaw sa politika na eksaktong katulad ng sa akin, napalampas ko siguro ang isang labis na mayaman at kapaki-pakinabang na relasyon.

Categories
Disyembre

December 31

Ngayon na ang taon ay patapos na, kukuha ako ng ilang minuto upang pag-isipan ang pag-unlad na nagawa ko at upang pasalamatan ang Mas Mataas na Kapangyarihan para sa aking paglago. Ano ang ginawa ko upang mag-ambag sa aking tagumpay sa taong ito? Marahil ito ay kasing simple at kasing lalim ng aking unang pagpupulong, o upang magpatuloy na dumating kahit na ito ay mahirap.

Paano ako napalapit sa ibang tao ngayong taon na itp? Naglagay ba ako ng panitikan, namuno sa isang pagpupulong, naglinis? Marahil ay tinanggap ko ang isang bagong dating o ibinigay sa kanila ang aking numero ng telepono. Marahil ay tinanong ko ang isang tao na maging aking Sponsor, o magbukas nang mas malalim sa Sponsor na mayroon ako. Nagpasalamat ba ako sa taong iyon para sa lahat ng kanilang ibinigay sa akin? Nakilala ko ba ang aking lumalaking kakayahang magmahal at magtiwala sa iba?

Sa wakas ay naiintindihan ko na ang Unang Hakbang, o talagang nakatuon sa aking sarili sa pagtatrabaho ng ilan pa. Marahil ay nagkaroon ako ng pananampalataya at lakas ng loob na gumawa ng mahihirap na desisyon.

Natuklasan ko na may mahalagang bahagi ako sa aking sariling kagalingan. Ipagdiriwang ko ang aking mga nagawa at magpapasalamat sa lahat ng ibinigay sa akin. Hindi ako perpekto, ngunit magaling ako!

Paalala sa Araw na ito

Nagpapasalamat ako para sa programa ng Al-Anon at lahat ng ibinigay sa akin ng Mas Mataas na Kapangyarihan. Inaasahan ko ang isang mas maliwanag na bagong taon.

“Natututo akong tratuhin ang sarili ko ng may mas pagpapahalaga. Nalaman ko na kapag sasanayin ko pa ang sarili ko, magsisimulang maniwala ako.”

…Sa Lahat Nating Gawain