Tayo’y naninirahan sa isang lipunan na sanay sa instant na kasiyahan: instant kape, instant agahan, instant na pera galing sa local atm – kahit saan tayo tumingin! Kaya naman hindi nakagugukat na marami sa atin ang kumakatok sa pintuan ng Al-Anon na naghahanap ng agarang solusyon sa lahat ng problema na kaakibat ng pamumuhay at pagmamahal sa isang alcoholic.
Tag: Higher Power
Nang una kong matagpuan ang Al-Anon ay desperado ako at malungkot. Inaasam ko ang kapayapaang taglay ng ibang tao sa mga pagpupulong. Sa tuwing ibinahagi ng mga miyembro ang tungkol sa mga kasangkapan na gumagana para sa kanila, binibigyan ko ito ng pansin.
“Kahit lamang para sa araw na ito ay magkaroon ako ng isang tahimik na kalahating oras na mag-isa at mag-relaks.” Gaano kasimple pakinngan hanggang sa sinubukan kong gawin ito. Nahirapan akong maglaan ng kahit kaunting oras na nag-iisa- tatlumpung tahimik na minuto sa labas ng aking abalang iskedyul ay masyadong mahirap! Kaya’t nagsimula ako sa limang minuto. Sa oras ay nakahanap ako ng sampu, at pagkatapos ay dalawampu, at pagkatapos ay tatlumpung minuto para sa aking sarili.
Minsan ay mariin kong sinabi sa aking pamilya na ang kanilang pag-aaway ay nagpapakaba sa aming nahimasmasan na mahal sa buhay na maaaring magdulot ito sa kanyang muling pag-inom. Nabigla ako nang sinabi nila sa akin, ng may pagbibigay diin, “Hayaan mo siya!” Napagtanto ko na sinusubukan ko pa ring gawing maayos at madali ang lahat para sa alkoholiko, sapagkat hindi ko matanggap na ako ay walang kontrol laban sa alkoholismo sa kahinahunan tulad ng ginagawa ko sa mga aktibong taon.
January 10
Pinaghihinalaan ko na kung maibabalik ko lang ang lahat ng mga minuto, oras, at araw na nagsakripisyo ako upang mag-alala at matakot, madadagdagan nito ang mga taon sa aking buhay. Kapag nagpadala ako sa pag-aalala, bubuksan ko ang isang Pandora box ng mga nakakatakot na larawan, paranoid na tinig, at walang tigil na pagpuna sa sarili. Habang mas binibigyan ko ng pansin ang mental na static na ito, mas nawawala ako sa katotohanan. Ang mangyayari ay wala akong magagawang maayos.
January 12
Isang maagang umaga ay tumigil ako upang manuod ng isang kolonya ng mga bubuyog. Medyo natakot ako sa siklab na kanilang galaw at matinding paghimok, naalala ko sa sarili ko na kung hindi ako lalapit sa kanilang pugad, hindi ako masasaktan. Kung pipiliin kong panatilihin ang isang ligtas na distansya mula sa isang mapanganib na sitwasyon, magiging maayos ako.
January 13
Binibigyan ako ng Al-Anon ng espiritwal na kalayaan sapagkat hinihimok nito akong maghanap ng personal na pag-unawa sa Diyos, at payagan ang iba na magkaroon ng parehong kalayaan. Hanggang sa maisip ko ang Diyos sa mga katagang makabuluhan sa akin, hindi ko magawang ipaubaya ang aking buhay sa isang Mas Mataas na Kapangyarihan.
January 17
Ang sinumang nanonood o sumusubaybay ng aking pakikipag-ugnayan sa mga alkoholiko sa aking buhay ay marahil ay ituring na ako ang may sira sa ulo. Ako ang naghahanap mula sa iba’t ibang bar, gumagawa ng eksena sa mga pampublikong lugar, at nagiging hysterical sa maliliit na bagay. Ako rin ang nahihirapan sa pag-uugali ng alkoholiko, nagsisinungaling, humihingi ng paumanhin at palusot, at kinamumuhian ang lahat ng aking ginagawa.Nasa tamang pag-iisip pa ba ako?
January 19
Ngayong araw ay hinahangad kong mas tanggapin ng kaunti ang aking sarili, medyo mas komportable sa Bagaman mahalagang kilalanin at aminin ang aking sariling balat. mga limitasyon at kapintasan, tanging ang aking Mas Mataas na Kapangyarihan lamang ang makakapagtanggal sa kanila.
Ang pagkondena sa aking mga kahinaan ay hindi kailanman pinahusay ang aking pagpapahalaga sa buhay o nakatulong sa akin na mas mahalin ang aking sarili. Marahil ay maaari kong pakawalan ang lahat ng pagkondena para sa isang araw. Makikilala ko na ako ay nasa isang espirituwal na landas ng pagpapabuti ng sarili. Bawat maliliit na hakbang na aking tinatahak sa landas na iyon ay naglalapit sa akin sa kabuuan, kalusugan, at kapayapaan.
Kung naiinip ako sa aking sarili, masusuri ko ang aking mga inaasahan. Marahil ay inaasahan kong magaganap ang paggaling sa magdamag. Maglalaan ako ng oras ngayong araw para kilalanin ang aking mga pagsisikap at magtiwala sa proseso ng programang Al-Anon.
Paalala ngayong araw
Ang Al-Anon ay isang banayad, nakapagpapagaling na programa. Tatandaan kong maging banayad sa aking sarili ngayong araw, nagtitiwala na darating ang kagalingan.
“Ngayong araw ay maaari kong tanggapin ang aking sarili kung ano ako dahil alam ko na kahit anong mangyari, mayroon akong Mas Mataas na Kapangyarihan at isang grupo ng mga tao na magmamahal pa rin sa akin.”
…In All Our Affairs
(Sa Lahat Ng Ating Mga Gawain)
January 21
Bago ang Al-Anon, hindi ko masabi ang pagkakaiba sa pagitan ng kung ano ang dapat at hindi ko dapat pakialamanan. Naramdaman kong dapat kong alagaan ang lahat sa paligid ko hanggang sa hindi ko ito matiis. Karaniwan kong ginagawa ito hanggang sa ako ay magkasakit. Sinusubukang sabihin ng aking katawan na bigyang pansin ang aking sariling mga pangangailangan, ngunit hindi ako handang makinig.
January 22
Pinipilit kong matutunan ang paglayo. Ang pamumuhay ng may aktibong alkoholismo ay nakalilito, at ang ideya ng paglayo ay tila malabo. Ang alkoholiko sa aking buhay ay hindi mapakali sa pagtulog na halos bawat gabi ay nahuhulog siya sa kama. Alam kong tungkulin kong tulungan siyang bumalik sa kama. Isang gabi, pagkatapos kong dumalo sa pagpupulong ng Al-Anon, dumiretso ako sa kama at pinabayaan ko siyang matulog sa sahig. Tagumpay! nang magpunta ako sa aking susunod na pagpupulong sa Al-Anon, sinabi ko sa kanila, “Natutunan ko na rin sa wakas ang paglayo!” Ang paglayo ay may kasamang pag-ibig.
January 23
Sa Ikatlong Hakbang ay “Nagpasya kaming ibalik ang aming kalooban at ang aming mga buhay sa pangangalaga ng Diyos kung paano namin Siya naiintindihan.” Ito ay isang malaking desisyon para sa atin na nahihirapan sa paggawa ng kahit maliit na desisyon. Hanggang sa natagpuan ko ang Al-Anon, pinayagan kong hayaan ang iba na magpasya kung paano dapat mabuhay, saan ako dapat pumunta, at kung ano ang dapat kong gawin. Ang kabalintunaan na kahit na kinuha ko ang maliit na responsibilidad para sa aking sariling buhay, nakita ko ang aking sarili bilang isang dalubhasa sa buhay ng iba at pakiramdaman ko’y may pananagutan ako sa lahat ng nangyari.
January 26
Nabasa ko na ang Ika-labindalawang Hakbang ng maraming beses bago ko ito nakita. Ngunit ito ay naroon: “Ang pagkakaroon ng espirituwal na pagkamulat bilang resulta ng mga hakbang na ito…” Napakagandang pangako! Kung gagawin ang mga hakbang na ito, magkakaroon ako ng espirituwal na pagkamulat! Nagkaroon ng pag-asa, kahit para sa akin!
February 3
Bilang isang bagong dating sa Al-Anon, narinig ko na ang mga prinsipyo ng programa ay maaaring humantong sa mataimtim na katahimikan. Mas gusto kong marinig na ang programa ay nagpapagaling sa mga alkoholiko, mag-aalis ng pinsala sa nakaraan, o na sana naman ay magbayad sa bayarin na gas. Ang aking ideya ng katahimikan ay nakaupo sa isang tuktok ng bundok na may isang ulok na ngisi sa aking mukha, hindi masyadong nagmamalasakit sa anuman. Mas naging interesado ako sa pag-iibigan o pagnanasa!
February 14
Ang pagkalito ay maaaring isang regalo mula sa Diyos. Sa pagbabalik-tanaw sa mga pagkakataong parang desperado akong nangangailangan ng agarang solusyon, nakikita ko na madalas na hindi ako handang kumilos. Nang ako ay naging ganap na handa, ang impormasyong kailangan ko ay naroroon para sa pagkuha.
February 16
Sa isang buhawi, hindi lamang ang napakalaking hangin ang titingnan, kundi pati na rin ang mga bagay na makukuha ng hangin papunta sa iyong direksiyon. Kagaya ng buhawi, ang alkoholismo ay madalas nagbibigay din ng mga karagdagang problema, kabilang ang berbal, pisikal, at pang-aabusong sekswal, karamdaman, utang, pagkabilanggo, pagtataksil, at pati na rin kamatayan. Ang ilan sa mga problemang ito ay maaaring nakakahiya kaya hindi natin sinusubukan na pag-usapan. Pero sa Al-Anon, natutunan natin na parang sakit na rin ang ating mga sekreto. Hanggang sa mailabas natin ito sa liwanag, pinanatili tayo nitong nakakulong. Marami sa atin na pinakamagandang ibahagi ang ating mga sekreto sa taong ating pinagkakatiwalaan, isang tao na nakakaunawa sa sakit ng alkoholismo. Kahit gaano man tayo kawalan ng pag-asa, kakaiba, o nahihiya, may mga miyembro ng Al-Anon ang nakaranas na din ng kagaya ng sayo at handa silang makinig at tumulong sayo.
February 22
Nagkaproblema ako sa paggawa ng mga desisyon dahil imposibleng makamit ang aking mga pamantayan. Nais kong gumawa ng mga desisyon na makukuha ko nang eksakto kung ano ang gusto ko, o kaya naman ay ayokong gawin ang mga ito. Nalaman ko sa Al-Anon na walang makakakaalam nang hinaharap sa lahat ng mga kahihinatnan ng anumang desisyon. Maaari lamang naming kunin ang impormasyon na nasa kamay at gawin ang aming makakaya sa pagpili ng maingat.
February 27
Hindi kinakailangan para sa akin na gumawa ng mapa ng isang master plan para sa aking paggaling — nagawa na iyon ng aking Mas Mataas na Kapangyarihan. Kinakailangan lamang na mapagpakumbabang humingi ng patnubay ng Diyos at para sa kahandaang sundin ang patnubay na ito ngayon. Alam kong hindi ako nag-iisa: Tatanggapin ko ang lahat ng tulong na kailangan ko. Pagkatapos manalangin para sa aking paggaling, makakaya ko na, alam kong maglalakad ako nang tahimik sa tamang direksyon.
“Napili ko ang aking epitaph.” sabi ng isang kaibigan na Al-Anon. “Gusto kong basahin ito, ‘Sa wakas ay nasa isip niya nang huwag makialam sa buhay ng ibang tao.
Sinabi ng Ika-Siyam na Hakbang na hindi ko kailangang gumawa ng direktang bayad-pinsala sa mga nasaktan ko kung, sa paggawa nito, maaari akong magdulot ng karagdagang pinsala. Paano ko malalaman kung kikilos o hindi?
Kung hindi naaangkop ang mga direktang pagbabayad-pinsala, mapagkakatiwalaan ko ang aking Mas Mataas na Kapangyarihan na ipaalam sa akin. Kung hindi naman, at nagawa ko na ang Ikawalong Hakbang at naging tunay na handang gumawa ng mga pagbabayad-pinsala, naniniwala ako na darating ang mga pagkakataon kapag handa na ako.
Halimbawa, hindi ko nagawang talakayin ang aking personal na buhay sa aking ina. Dahil sa takot sa kanyang pagtanggi, ako na lamang tumanggi sa kanya. Isang nalalapit na pagbisita ang nagbigay ng pagkakataon para makabawi, ngunit hindi ako sigurado kung handa na ako. Ang pagbabayad pinsala ba ay makakasakit sa akin oras na ito?
Pagkarating ng aking ina, naramdaman ko na ito na ang “oras.” Nanalangin ako para sa lakas ng loob at hiniling sa aking Mas Mataas na Kapangyarihan na tulungan akong mahanap ang mga salita. Ang aking ina ay umupo sa tabi ko sa isang tahimik na sandali at, sa aking pagkamangha, ibinahagi ang bawat paksa na nais kong talakayin. Napagtanto ko na ang pagkakataon na maging malapit sa kanya ay palaging nandiyan, ngunit hindi ako handa, hanggang noon, na makibahagi dito.
Paalala sa Araw na Ito
Ang Aking Mas Mataas na Kapangyarihan ay hindi naglalagay ng anumang mga hamon sa harap ko na hindi ko kayang harapin. Ang kaginhawaan na nahanap ko sa kaalamang iyon ay maaaring madaig ang aking mga takot.
“Ang tukso ng malayo at mahirap ay mapanlinlang. Ang magandang pagkakataon ay kung nasaan ka.”
John Burroughs
December 31
Ngayon na ang taon ay patapos na, kukuha ako ng ilang minuto upang pag-isipan ang pag-unlad na nagawa ko at upang pasalamatan ang Mas Mataas na Kapangyarihan para sa aking paglago. Ano ang ginawa ko upang mag-ambag sa aking tagumpay sa taong ito? Marahil ito ay kasing simple at kasing lalim ng aking unang pagpupulong, o upang magpatuloy na dumating kahit na ito ay mahirap.
Paano ako napalapit sa ibang tao ngayong taon na itp? Naglagay ba ako ng panitikan, namuno sa isang pagpupulong, naglinis? Marahil ay tinanggap ko ang isang bagong dating o ibinigay sa kanila ang aking numero ng telepono. Marahil ay tinanong ko ang isang tao na maging aking Sponsor, o magbukas nang mas malalim sa Sponsor na mayroon ako. Nagpasalamat ba ako sa taong iyon para sa lahat ng kanilang ibinigay sa akin? Nakilala ko ba ang aking lumalaking kakayahang magmahal at magtiwala sa iba?
Sa wakas ay naiintindihan ko na ang Unang Hakbang, o talagang nakatuon sa aking sarili sa pagtatrabaho ng ilan pa. Marahil ay nagkaroon ako ng pananampalataya at lakas ng loob na gumawa ng mahihirap na desisyon.
Natuklasan ko na may mahalagang bahagi ako sa aking sariling kagalingan. Ipagdiriwang ko ang aking mga nagawa at magpapasalamat sa lahat ng ibinigay sa akin. Hindi ako perpekto, ngunit magaling ako!
Paalala sa Araw na ito
Nagpapasalamat ako para sa programa ng Al-Anon at lahat ng ibinigay sa akin ng Mas Mataas na Kapangyarihan. Inaasahan ko ang isang mas maliwanag na bagong taon.
“Natututo akong tratuhin ang sarili ko ng may mas pagpapahalaga. Nalaman ko na kapag sasanayin ko pa ang sarili ko, magsisimulang maniwala ako.”
…Sa Lahat Nating Gawain
December 30
Ang mga hindi kasiya-siyang bagay na sinasabi o ginagawa ng ibang tao ay walang kapangyarihan upang sirain ang aking kapayapaan ng isipan o masira ang araw ko maliban nalang kung papayagan ko ito. Pinapayagan ko ba ang aking sarili na tumugon sa mga salita ng isang taong may sakit na parang ito lamang ang tunay na katotohanan? Maaari ba akong makakuha ng benepisyo mula sa pagtanggap ng kahihiyan:
Minsan nagtataka ako. Matagal kong ginampanan ang pagiging isang martir. Ang pagdurusa ko ay nagdala sa akin ng maraming atensiyon at awa. Nasanay ako na sisihin ang iba sa aking mga problema, at iniwasan kong managot para sa sarili kong buhay. Sa madaling salita, pinaghihinalaan ko na maaaring makinabang ako sa aking sakit. Ngunit ang mga benepisyo na iyon ay hindi na mahalaga.
Ngayon ay inaalam ko kung sino talaga ako sa tulong ng Mas Mataas na Kapangyarihan at ng programa ng Al-Anon. Mayroong isang magandang tao sa loob-loob ko na hindi na kailangang bumuo ng isang pagkakakilanlan sa gamit ang pagdurusa. Natututunan kong hayaang mamulaklak ang taong iyon sa halip na magtago sa likod ng isang balabal ng pagdurusa. Ayokong makaligtaan pa ang mga magagandang opurtunidad na magagamit ko upang mabuhay, lumago, at sumaya.
Paalala Ngayon
Napakaraming dapat pahalagahan sa buhay na ito. Hindi ako magsasayang ng sandali na kaawaan ang sarili ko.
“… ang mas malaking bahagi ng ating kaligayahan o pagdurusa ay nakasalalay sa ating mga disposisyon at hindi sa ating kalagayan.”
Martha Washington
December 18
Sa mga lugar kung saan umaasa ang mga tao sa mga kamelyo para sa transportasyon, mayroon silang kasabihang, “Magtiwala sa Diyos at itali ang aming kamelyo sa isang puno.” Iniisip ko ang kasabihang ito bilang isang makulay na paraan ng paglalarawan sa tinatawag namin sa Al-Anon na “ginagawa ang gawain ng paa.”
Una ay nagtitiwala kami sa aming Mas Mataas na Kapangyarihan. Ang pagtitiwala ay isang paraan ng pagkumpirma na handa kaming tumanggap sa kung ano man ang pipiliin sa atin ng Mas Mataas na Kapangyarihan. Hindi namin binibitiwan ang aming sarili sa aming kapalaran; natutugunan namin ang araw na may kumpiyansang inaasahan. Inaasahan namin ang isang himala, tulad ng sinasabi nila.
Ngunit hindi natin maaasahan ang ating Mas Mataas na Kapangyarihan na magawa para sa atin ang kaya nating magagawa para sa ating sarili. Dapat nating gawin ang ating bahagi. Tinutulungan tayo ng Labindalawang Hakbang na makilala ang pagitan ng aming mga responsibilidad at ng mga maaari nating ibaling sa Diyos.
Paalala Ngayon
Ngayon ay nagpapasalamat ako para sa patnubay ng Mas Mataas na Kapangyarihan at para sa tamang sukat ng common sense na kinakailangan upang mailapat ang patnubay na ito sa mga detalye ng aking pang-araw-araw na buhay.
“Walang ibang maaaring tukuyin ang aming papel sa natatanging pakikipagsosyo na binuo namin sa aming Mas Mataas na Kapangyarihan.”
Mabuhay!..
December 16
Kumbinsido ako na dapat kong alagaan ang lahat – wala akong pagpipilian. Ngunit sa tulong ng Al-Anon natutunan ko na, habang mayroon akong mga responsibilidad, marami ring mga bagay na hindi ko dapat gawin:
Hindi ko kailangang maintindihan ang lahat. Hindi lahat ay dapat may pakialam ako, at ang iba ay hindi magkakaroon ng katuturan sa akin.
Hindi ko kailangang mag-atubili na ipakita ang aking nararamdaman. Kapag masaya ako. Kaya kong bumigay dito! Kapag hindi ako. Maaari akong lumingon sa aking mga kaibigan sa Al-Anon na tumutulong sa akin na lumago sa mga mahihirap na oras.
Hindi ako dapat matakot sa banta ng hinaharap. Maaari akong mabuhay bawat araw sa bawat oras.
Hindi ko kailangang makonsensya sa nakaraan. Sa tulong ng mga Hakbang, lalo na ang Ikawalo at Ikasiyam, makakagawa ako ng pag-aayos at matuto mula sa mga pagkakamaling aking nagawa.
Hindi ko kailangang makaramdam na ako’y mag-isa. Maaari akong pumunta sa isang pagpupulong, o kunin ang telepono-laging may isang tao na maabot sa Al-Anon.
Hindi ko kailangang panagutan ang mga pagpipilian ng ibang tao. Mayroon silang sariling Mas Mataas na Kapangyarihan upang matulungan silang makapagpasya. Hindi ko kailangang sumuko sa aking pag-asa at pangarap na ang aking pinaniniwalaang Mas Mataas na Kapangyarihan ay hindi limitado ng aking kawalan ng imahinasyon.
December 15
Para sa ilang oras Iniwasan ako ng Ikatatlong Hakbang . Paano ko babaguhin ang aking kalooban at ang aking buhay sa pangangalaga ng isang Mas Mataas na Kapangyarihan? Taimtim kong sinubukan, ngunit lagi kong ibinabalik ang lahat sa aking sariling kamay. Nakakatakot na isipin na wala akong kontrol. Nahihirapan akong magtiwala na ang Mas Mataas na Kapangyarihan ay nandiyan para sa akin kung papalayain ko ang sarili ko nang tuluyan. Paulit-ulit, naiisip ko kung ano ang pakiramdam ng ganap na pagsuko, at paano ko malalaman kung ginagawa ko ito? May isang tagapagsalita sa isang pagpupulong sa Al-Anon na ginamit ang term na naunawaan ko. Sinabi niya na ang pag-turn over sa aming kalooban ay tulad ng pagsasayaw kasama ang isang kapareha. Kung kapwa susubukang manguna, maraming pagkalito at kaunting paggalaw sa pasulong. Bilang isang nagtuturo sa maraming mag-asawa kung paano sumayaw, alam ko ang kakulitan at pag-alma na resulta sa tuwing ang magkapareha ay nakikipagkumpitensya para sa kontrol. Ngunit kapag ang kapareha na ay sumusunod, maaaring magpahinga at hayaang ang kapareha na manguna, madaling dadaloy ang mag-asawa sa alon ng sayaw.
Paalala Ngayon
Kung mararamdaman ko ang pag-usbong ng kawalan ng katiyakan, kawalan ng pag-asa, o takot, maaari kong gawin ito bilang isang palatandaan na nakalabas na ako sa hakbang. Pagkatapos ay maaari kong tanungin ang Diyos ng aking pag-unawa na tulungan akong maging isang mas handang kaparehp.
“Walang garantiya na ang buhay ay magaganap sa gusto naming paraan, ngunit ipinakita sa akin ng programa ang kalooban ng Diyos ay ang tanging paraan; nasa sa akin ang pakikipagtulungan sa Kanya at babaguhin nang aking buhay at ibabalik sa Kanyang pangangalaga at patnubay . “
Mabuhay!…
December 11
Palagi kong naiisip na karamihan sa aking mga problema ay masusulusyunan kung mananalo ako sa lotto. Posible ang lahat basta marami kang pera! Ngunit maaalis ba nito ang epekto ng alkoholismo sa aking pamilya?Magagawa ba nitong matino ang isang manginginom? Magagarantiya ba nito ang kaligayahan? Pera ba talaga ang gusto ko?
Syempre hindi. Ang talagang gusto ko ay ang gumaan ang aking pakiramdam. Wala nang makakatanggal ng lahat ng mga problema sa aking buhay. Dahil may mga paghihirap at problema sa araw-araw kong pamumuhay na kailangan kong tanggapin, ang tanging tunay na sagot ay humingi at maghangad ng katahimikan upang tanggapin ang mga bagay na hindi ko na mababago. Ngayon alam ko na ang katahimikan ay magagamit ko sa tuwing pumupunta ako sa mga pagpupulong ng Al-Anon pagkatapos ay doon ay magagamit ko ang mga prinsipyong natutunan ko sa aking buhay.
Hindi mabibili ng pera ang katahimikan; sa katunayan, marahil ay magkakaroon ako ng isang panibagong hanay ng mga problema at desisyon kung magkatotoo ang kapalaran na iyon. Ngunit bilang isang miyembro ng Al-Anon na umaasa sa tulong ng isang Mas Mataas na Kapangyarihan sa bawat problema na dumarating, ngayon pakiramdam ko isa ako sa mga nanalo sa buhay.
Paalala Ngayon
Ang katahimikan ay palaging nasa sa akin, ngunit trabaho ko na hanapin ito kung saan ito matatagpuan.
“. .. Sinubukan ko ngayong dalhin ang aking mga problema sa Mas Nakatataas na Kapangyarihan, ngunit iniiwan ko sa Kanya ang mga solusyon at ang time table.”
Tulad ng Naintindihan namin …
December 3
Ano ang pagmumuni-muni? Iniwan ng Al-Anon ang katanungang ito ng bukas para sa bawat isa upang sagutin sa sarili nating pamamaraan. Ang pagguhit sa mga karanasan ng iba pang mga miyembro ng Al Anon ay makakatulong sa amin upang makahanap ng aming sariling landas. Narito ang ilan lamang sa mga paraan na ibinahagi ng ilan sa mga miyembrp ng grupo.