“Patuloy na manumbalik” ito ang lagi namin naririnig sa Al-Anon. Bakit ito napakaimportante? Dahil marami sa amin ang lumaki na lumalaban sa alkoholismo o sa mga alkoholiko kaya kami nahihirapan na gumaling na dulot ng sakit nito. Kailangan namin ng sagot at aksyon agad-agad. Kaya nakakaramdam kami ng gaan ng loob sa aming unang pagpupulong sa aming muling pagbabalik sa Al-Anon. Paulit-ulit hanggang sa natutunan naming makinit at maghilom.
Kahit gaano man katagal ang aming pag-aaral sa programa ng Al-Anon ay nagagamit namin ito na patuloy na manumbalik. Ang mga problema ay dumarating at umaalis. Sa mga bagong pagsubok, marami sa amin ang kailangan pa rin paalalahanan na “walang sitwasyon ang mahirap na solusyonan at walang kalungkutan ang mas ikakalungkot.”
Paalala Ngayon
Kapag ako ay napaghinaan ng loob ngayon, ay manunumbalik ako sa simula ng programa ng Al-Anon. Dadalo ako sa mga pagpupulong, tawagan ang aking isponsor, at bumalik sa Unang Hakbang. Unti-unti ang aking sitwasyon ay mas magiging maayos.
“Kung gusto ko talaga ang matuto at ibagay ang aking sarili sa aking kapaligiran at sa ibang tao, alam kong mayroong maituturo sa akin ang Al-Anon” Isang beses sa isang araw sa Al-Anon.