Categories
Marso

March 3

Ang isang kamakailang paghahanap at walang takot na imbentaryo ng moralidad ng aking sarili (Ika-Apat na Hakbang) ay nagbigay sa akin ng isang malinaw na mensahe: Karamihan sa aking pag-uugali ay lubos na wala pa sa gulang. Ngunit ano ang mature/ganap na pag-uugali? Malinaw na ang sagot ay magkakaiba para sa bawat isa sa atin, ngunit ang paggalugad ng tanong ay makakatulong sa akin na makilala ang aking mga layunin at magamit ang programa ng Al-Anon habang hinahangad kong baguhin ang ugaling ito. Sa akin, kasama sa kapanahunan ang: Pagkilala sa aking sarili.

Categories
Marso

March 5

Nang una kong simulang pagtrabahuhan ang Mga Hakbang, ang pag-iisip na alisin ang aking mga hindi magandang pag-uugali ay labis akong kinakabahan.Sa tingin ko ay matutulad ako sa isang tipak ng keso na puno ng mga butas. Ngunit nais kong bumuti at patuloy akong natitiyak na ang Mga Hakbang ay ang susi ng aking paggaling, kaya’t nagpatuloy ako sa kabila ng aking kinakatakutan. Kailangan kong tanggapin ang mga peligro at kumilos ayon sa pananampalataya bago ko matanggap ang mga regalong ibinibigay sa akin ng aking Mas Mataas na Kapangyarihan.

Categories
Disyembre

December 10

Marami sa atin ang naguguluhan sa pagpasok sa Al-Anon. Tayo ay nakatutok sa mga alkoholiko na ating mga mahal sa buhay na maaring di na natin sila makita kung saan sila tumigil at ang ating simula. Nawala na din ang ating pang-unawa sa kung ano ang nararapat. Paano ba natin maihahambing ang kasiya-siya sa hindi kasiya-siya na ugali kung hindi rin natin alam kung ano ang gusto o kailangan natin?

Ang imbentaryo ng Ika-apat na Hakbang ang tumulong sa akin na makilala kung sino talaga ako, kung ano ang aking kahalagahan, kung anong ugali ang nais kong panatilihin, at ang mga bagay na gusto kong baguhin. Sa pag-iisip kong ito, sinusubukan ko na magkaroon ako ng panibagong ugali na nagpapakita ng aking integridad at maipahayag ang aking tunay na kahalagahan. Kung saan sa nakaraan ay tinatanggap ko ang hindi kasiya-siya na pag-uugali. Dapat ay palagi kong gawin ang aking mga sinasabi. Ngayon ay may lakas na ako ng loob at tiwala na maging totoo sa aking sarili, kahit na sumang-ayon o hindi sumang-ayon sa akin iba. Dapat kong alalahanin na ang paghayag ng aking mga bagong paraan sa iba ay hindi kasing-importante ng pagkilala sa aking mga limitasyon at pagkilos ng naaayon.

 

Paalala Ngayon

Lagi kong tatandaan na ang pagkilala sa aking hangganan ay hindi ibig-sabihin nito ay pinipilit ko na ang iba na magbago; ibig-sabihin ay alam ko ang aking limitasyon at alagaan ang aking sarili sa pamamagitan ng pagrespeto ko sa kanila. Ang pokus ngayon ay ako.

 

“Ang gumagalang sa kanyang sarili ay ligtas sa iba; ang nagsusuot ng balabal ng liham na walng sinuman ang puwedeng bumutas”

Henry Wadsworth Longfellow