Categories
Disyembre

December 30

Ang mga hindi kasiya-siyang bagay na sinasabi o ginagawa ng ibang tao ay walang kapangyarihan upang sirain ang aking kapayapaan ng isipan o masira ang araw ko maliban nalang kung papayagan ko ito. Pinapayagan ko ba ang aking sarili na tumugon sa mga salita ng isang taong may sakit na parang ito lamang ang tunay na katotohanan? Maaari ba akong makakuha ng benepisyo mula sa pagtanggap ng kahihiyan:

Minsan nagtataka ako. Matagal kong ginampanan ang pagiging isang martir. Ang pagdurusa ko ay nagdala sa akin ng maraming atensiyon at awa. Nasanay ako na sisihin ang iba sa aking mga problema, at iniwasan kong managot para sa sarili kong buhay. Sa madaling salita, pinaghihinalaan ko na maaaring makinabang ako sa aking sakit. Ngunit ang mga benepisyo na iyon ay hindi na mahalaga.

Ngayon ay inaalam ko kung sino talaga ako sa tulong ng  Mas Mataas na Kapangyarihan at ng programa ng Al-Anon. Mayroong isang magandang tao sa loob-loob ko na hindi na kailangang bumuo ng isang pagkakakilanlan sa gamit ang pagdurusa. Natututunan kong hayaang mamulaklak ang taong iyon sa halip na magtago sa likod ng isang balabal ng pagdurusa. Ayokong makaligtaan pa ang mga magagandang opurtunidad na magagamit ko upang mabuhay, lumago, at sumaya.

 

Paalala Ngayon

Napakaraming dapat pahalagahan sa buhay na ito. Hindi ako magsasayang ng sandali na kaawaan ang sarili ko.

 

“… ang mas malaking bahagi ng ating kaligayahan o pagdurusa ay nakasalalay sa ating mga disposisyon at hindi sa ating kalagayan.”

Martha Washington

English Translation

The unpleasant things other people say or do have no power to destroy my peace of mind or ruin my day unless I permit it. Do I allow myself to respond to the words of a sick person as if they were the ultimate truth? Could I possibly be getting some benefit from accepting humiliation:

Sometimes I wonder. I played the martyr role for a long time. My suffering brought me a lot of attention and pity. I grew accustomed to blaming others for my problems, and I avoided taking responsibility for my own life. In other words, I suspect I may have benefited from my pain. But those benefits are no longer worth the price.

Today I am finding out who I really am with the help my Higher Power and the Al-Anon program. There is a beautiful person within me who has no need to build an identity around suffering. I am learning to let that person blossom instead of hiding behind a cloak of suffering. I don’t want to miss any more of the wonderful opportunities available to me to live, grow, and enjoy.

 

Today’s Reminder

There is so much to appreciate in this life. I won’t waste another moment feeling sorry for myself.

 

“… the greater part of our happiness or misery depends on our dispositions and not on our circumstances.”

 

Martha Washington