Maipagmamalaki ko na ako ay nakaligtas sa alkoholismo. Marami akong napagdaanan na mga pagsubok bago ako makarating kung nasaan man ako ngayon. Alam kong mas higit na ako sa aking mga gulong nagawa. Isa akong tao na may dignidad. May karanasan ako na maaari kong ibahagi sa mga taong may kaparehas na pagsubok. Hindi ako natatakot sa hamon ng hinaharap, dahil alam ko ngayon, sa tulong ng aking Poong May Kapangyarihan at ng aking lakas at kaalaman na aking natamo sa Al-Anon, alam kong kayang-kaya ko ng harapin ang mga pagsubok ng aking buhay.
Kahit na minsang tiningnan ko ang aking buhay na isang trahedya, meron na akong ibang pananaw ngayon sa aking mga karanasan. Alam kong mas malakas na ako na resulta ng aking mga pinagdaanan.
Paalala Ngayon
Kung ako ang papipiliin, ang lahat ng nangyari sa aking buhay ay maituturing kong isang regalo kung saan ako ay matututo at lumago. Ngayon ay hahanapin ko ang mga positibong bagay na nakatago sa isang mahirap na sitwasyon at hayaan ang sarili kong magpasalamat. Maaring ang maliit na pasasalamat ay may malaking maitutulong sa iba.
“Kapag dumilim, makikita mo ang mga bituin.”
Charles A. Beard