Kung minsan ay ayaw sundin ng kabayo ang utos ng kanyang hinete hangang sa mawalan ito ng kontrol. Magagawa rin ito ng aking isipan, kapag talagang sinisikap kong subukan, paulit-ulit na lutasin ang isang problema. Ang leksiyon sa pagsakay ay ang nagturo sa akin na huwag patuloy na ulitin nang mas malakas ang utos, kundi tumigil sa pagtutuon ng pansin, at magsimulang muli.
Kagaya rin nito ang aking isipan na nawawalan ng kontrol kaya kailangan kong magpahinga at huminto. Ginagawa ko ito sa pamamagitan ng paghinga ng malalim at pagmasid sa aking kapaligiran. Nakakatulong ito na palitan ang mga negatibong saloobin sa positibong pananaw, gaya ng sa slogan ng Al-Anon, Serenity Prayer, o ibang nakakaaliw na paksa na walang kinalaman sa aking problema.
Pagkatapos nito’y naiisip ko na ng mas tahimik ang aking problema sa tulong ng mga kaibigan sa Al-Anon o ng isponsor. Mas nagiging maganda ang aking sitwasyon kapag inilalayo ko ang aking sarili sa mga negatibong saloobin.
Paalala Ngayon
Minsan ay kailangan ko munang isantabi ang aking problema bago ako makahanap ng solusyon. Sa dami ng aking iniisip ay hindi ko na napapansin ang mga bagay na maaring makapagbigay solusyon sa aking problema. Ang pag-isip ng dahan-dahan para sa solusyon ay pinag-aaralan ng dahil sa Al-Anon ay unti-unti kong nakamit ito. Isang problema, isang solusyon.
“Ang lahat ng pagdurusa ng tao ay nagmula sa hindi pag-upo ng mag-isa sa isang silid.”
Blaise Pascal