Labis akong nalilito sa kahulugan ng “pagkahabag” pagdating ko sa Al-Anon. Akala ko nangangahulugan ito ng paggawa ng mga dahilan para sa alkoholiko o pagtakip sa hindi pagbabayad ng mga kredito. Tinulungan ako ng Al-Anon na makahanap ng isa pang salita para sa pag-uugaling ito: “pagkunsinte.” Nalaman ko na kapag nilinis ko ang mga kahihinatnan ng pag-uugaling alkoholiko, kinukunsinte ko ang alkoholiko na magpatuloy sa pag-inom nang kumportable at paghuhuramentado nang hindi pinagbabayaran ang pinsalang dulot nito. Ang isang mas mahabagin na paraan upang tumugon sa mga mahal ko ay maaaring pahintulutan silang harapin ang mga kahihinatnan ng kanilang mga pagkilos, kahit na ito ay magdudulot sa kanila ng sakit.
Paano ko malalaman kung ang isang partikular na aksyon ay pangungunsinte? Habang hindi ito laging malinaw, nakikita kong kapaki-pakinabang na dapat ay maingat na tingnan ang aking mga motibo. Sinusubukan ko bang pakialaman ang natural na mga kahihinatnan ng mga pasya ng isang mahal sa buhay? Sinusubukan ko bang gawin para sa isang tao ang mga bagay na maaari naman nilang gawin para sa kanilang sarili? Ginagawa ko ba ang sa tingin ko ay pinakamabuti para sa akin? Naiinis ba ako sa ginagawa ko? Kung gayon, talaga bang mapagmahal ang mga pasyang ito? Minsan ang pinakapagmahal na bagay na aking magagawa ay hayaan ang iba na maging responsable sa kahihinatnan ng kanilang asal.
Paalala Ngayon
Ngayon ay aalalahanin ko na mayroon akong mga pagpipilian, at gayon din ang isang alkoholiko. Gagawin ko ang pinakamahusay na pagpapasya na maaari kong gawin at hahayaan ang iba sa aking buhay na gawin din iyon sa kanilang sarili nang walang panghihimasok.
“Dapat kong matutunan na bigyan ang mga mahal ko ng karapatang magkamali at kilalanin ito bilang sarili nilang pagkakamali lamang.”
Al-Anon Faces Alcoholism
(Pagharap ng Al-Anon sa Alkoholismo)