Ipinaalala sa akin ng Al-Anon na maaari ko lang harapin ang araw ng paisa-isa. Dahil dito mas nagiging makatotohanan kung paano ko mapabubuti ang aking sitwasyon. Tinatanggal nito ang paulit-ulit na pagmamadali. Ngayon nakikita ko na walang problema ang hindi nalulutas. Dati-rati ay nadarama ko na kung hindi ko masosolusyunan kaagad ang problema, ito ay magtatagal. Alam ko na ngayon na lahat ay natatapos din kalaunan, ang kasiyahan pati na din ang mga kalungkutan.
Ngayon maitanong ko na sa sarili ko, “Ano ang magagawa ko tungkol dito ngayon?” Ang tanong na ito ay tumutulong sa akin na matukoy ang aking responsibilidad at ipinapakita sa akin kung anong bahagi ng sitwasyon ang hindi ko kayang kontrolin. Ang pangangatwiran sa isang kaibigan sa Al-Anon o pagdalo sa isang miting ay kadalasang nakakatulong sa akin na ihiwalay ang mga problema ngayon mula sa mga kabilang sa nakaraan o sa hinaharap. Pagkatapos ay gagawin ko ang makakaya ko pagkatapos ay isusunod ang iba.
Paalala Ngayon
Mas epektibo kong matutulungan ang mahirap na sitwasyon kung alam ko ang aking mga responsibilidad. May mga kasangkapan ako upan harapin ang mga hamon ngayon. Magtitiwala ako sa aking Mas Mataas na Kapangyarihan kinabukasan.
“Ngayon ay maliit na bahagi lamang ng oras kung saan ay hindi natin kailangang magpakapupos sa mga problemang hinaharap natin ngayon. Ito ay nagpapasigla sa ating puso’t isipan sa bigat ng nakaraan at hinaharap.”
One Day at a Time in Al-Anon