Isang maagang umaga ay tumigil ako upang manuod ng isang kolonya ng mga bubuyog. Medyo natakot ako sa siklab na kanilang galaw at matinding paghimok, naalala ko sa sarili ko na kung hindi ako lalapit sa kanilang pugad, hindi ako masasaktan. Kung pipiliin kong panatilihin ang isang ligtas na distansya mula sa isang mapanganib na sitwasyon, magiging maayos ako.
Para sa akin, iyon mismo ang aral na itinuturo ng paglayo. Nasa akin ang pagpipilian. Kapag nadama ko na ang isang sitwasyon ay mapanganib sa aking pisikal, mental, o espirituwal na kagalingan, maaari kong ilagay ang labis na distansya sa pagitan ng aking sarili at ng sitwasyon na iyon. Minsan nangangahulugan ito na hindi ako masyadong masasangkot sa isang problema; minsan maaari akong pisikal na umalis sa silid o magtapos ng isang pag-uusap. At kung minsan susubukan kong maglagay ng pagitan sa aking espiritwal na espansyo sa taong alkoholiko o sa kanyang pag-uugali. Hindi ito nangangahulugang hihinto ako sa pagmamahal sa kanya o sa ibang tao, tanging kinikilala ko lamang ang mga panganib sa aking sariling kagalingan at sa paggawa ng mga pagpipilian upang alagaan ang aking sarili.
Paalala Ngayon
Ngayon alam ko kung paano tatapusin ang isang pagtatalo sa pamamagitan lamang ng pagtanggi na lumahok, na lumingon sa aking Mas Mataas na Kapangyarihan para sa humingi ng tulong sa anumang walang kapangyarihan akong baguhin, upang masabing, “Hindi,” kailan! nangangahulugang hindi, at upang umatras mula sa pagkabaliw sa halip na ipilit pa ito. Ang paglayo ay isang regalo na patuloy kong ibinibigay sa aking sarili at sa iba.
“Kung ang isang tao ay magdadala ng kanyang sariling parol, hindi siya dapat matakot sa kadiliman.”
Hasidic