Nabasa ko na ang Ika-labindalawang Hakbang ng maraming beses bago ko ito nakita. Ngunit ito ay naroon: “Ang pagkakaroon ng espirituwal na pagkamulat bilang resulta ng mga hakbang na ito…” Napakagandang pangako! Kung gagawin ang mga hakbang na ito, magkakaroon ako ng espirituwal na pagkamulat! Nagkaroon ng pag-asa, kahit para sa akin!
Ngayon hindi iyon ang dahilan kung bakit unang dumating sa Al-Anon. Tulad ng marami, nalaman ko kung paano mapahinto ang pag-inom ng isang tao. Nang maglaon ay napagtanto ko na ang aking buhay ay nawawalan ng direksiyon na tanging isang Mas Mataas na Kapangyarihan lamang ang makapagbibigay.
Ang mga kamangha-manghang salitang ng Ika-Labindalawang Hakbang ay nagbigay sa akin ng pampatibay-loob na kailangan kong magsimula sa simula. Dahan-dahan, minsan masakit, nagsumikap ako sa pamamagitan ng mga Hakbang. Sa paglaon ng panahon, may isang kamangha-manghang nangyari. Ako ay napuno ng isang pakiramdam na kasama ang Diyos at ang Kanyang pag-ibig para sa akin. Nakaramdam ako ng pagka-buo. Alam kong hindi na ako magiging pareho sa nakaraan.
Paalala Ngayong Araw
Ang mga Hakbang ay nag-aalok sa akin ng mapa ng daan para sa pamumuhay na patungo sa isang espirituwal na pagkamulat at higit pa. Hindi ako maaaring tumalon papunta sa dulo ng paglalakbay—na kung minsan ay napakahirap ngunit maaaring ihakbang ang isang paa sa unahan ng isa at sundan ang mga patnubay na ibinigay ng mga taong nauna sa akin, batid na sila ay nakatanggap ng higit pa kesa sa kanilang mga pinangarap habang tinatahak ang daan na ito.
“Sa unang pagkakataon na narinig ko ang Labingdalawang Hakbang na binasa sa isang pulong, tumahimik ako. Pakiramdam ko ay hindi ako humihinga… Nakikinig lang ako nang buong pagkatao… Alam ko sa kaloob-looban ko ay nasa tahanan ako.”
Sa Aming Pagkakaunawa…
(As we Understood…)