“Oo, pero…” Ang dalawang salitang ito ay naging hudyat sa akin na tinatanggihan kong tanggapin ang isang bagay na wala akong kapangyarihan. Ang mundo ko ay mayaman sa magagandang regalo: kagandahan, mapagmahal na samahan, at mga hamon na nagpapalakas at naghahanda sa akin para sa mas magandang buhay. Sulit ba na tanggihan ang mga biyaya na ito sa pamamagitan ng pagnanais na sana ay iba ang mga bagay? Magpapabago ba ito sa kanila? Hindi! Mas gusto kong tanggapin ang mga ito nang may kagalakan, masayang tamasahin ang mga ito nang lubusan, at buong kapakumbabaang tanggapin ang reyalidad na inaalok ng aking Poong Makapangyarihan nang walang anumang pag-aalinlangan tulad ng “oo, pero.”
Ang malupit na tono, ang masasakit na salita, ang maliwanag na pambabalewala ng iba ay karaniwang natatapos sa loob ng ilang minuto. Anong katumbas ang binabayaran ko sa kapalit sa ilang minutong iyon? Hindi ko kailangang gustuhin ang realidad para matanggap ito sa kanyang kakanyahan. Masyadong mahalaga ang araw na ito para sayangin sa sama ng loob patungkol sa mga bagay na hindi ko kayang mabago. Kapag natanggap ko na ang mga bagay sa kanyang kakanyahan. Ako ay nagiging matiwasay. Kapag ginugugol ko ang aking oras sa pagnanais na sana ay naiiba ang mga bagay, nalalaman ko na nawawala sa prayoridad ang aking katiwasayan.
Paalala Ngayong Araw
Bagama’t responsable ako sa pagbabago ng mga bagay na kaya kong baguhin, kailangan kong bitawan ang lahat kapalit ng katiwasayan ng isip. Para sa araw na ito, mamahalin ko ang aking sarili nang sapat upang isuko ang mga bagay na hindi ko kontrolado.
“Sa pamamagitan ng pagsuko maaari kang makakuha ng tagumpay.”
Ovid