Natakot ako sa Ikalimang Hakbang, dahil ang ibig sabihin nito ay pagbunyag ng aking pinakamadilim na lihim sa ibang tao. Ako ay takot na tanggihan dahil sa pagiging hindi perpekto, naglagay ako ng labis na lakas upang itago ang katotohanan, kahit wala naman talagang tumatanggi sa akin, ako ay namumuhay na malungkot at nag-iisa.
Nang napagtanto ko kung gaano kasakit ang magpatuloy sa pamumuhay sa ganoong paraan, nakahanap ako ng Isponsor at humingi ng tulong. Ginawa namin ang Ikalimang Hakbang, at ibinahagi ko ang ilan sa aking mga katangian at pag-uugali na nakita kong partikular na nakakahiya. Nagsimulang tumawa ang aking Isponsor. “Nakita mo,” mabilis niyang paliwanag, “natatawa ako dahil limang taon na ang nakakaraan ay sinabi ko ang parehong kataga sa aking Isponsor, halos bawat salita!”
Hindi ko akalain ang pagiging pangkaraniwan ng aking mga karanasan. Hindi ko nahulaan na, sa pagbabahagi ng aking pakiramdam na kakaiba ako sa ibang tao, matutuklasan ko ang aming mga pagkakapareho.
Paalala ngayong araw
Marami ang nakakaalam ng kahihiyan at takot at marami din ang nakakaalam ng galak. Ang pagbabahagi ng akin sa iba ngayong araw ay gagawing mas maayos ang aking paglalakbay sa buhay.
“Sa kaibuturan ng aking pagkatao nagkaroon ako ng pagkamulat na walang tunay na kapayapaan ang mangyayari sa aking sarili hanggang sa mailabas ko ang aking problema at makipag-usap sa ibang tao tungkol dito…”
As We Understood….
(Sa Aming Pagkakaunawa….)