Detatsment. Sa una ay maaaring ituring na malamig, inaayawan o tinatanggihan, at hindi kailanman mapagmahal na paraan. Ngunit dumating ako sa paniniwala na ang detatsment ay talagang isang kahanga-hangang biyaya: Dahil hinahayaan ko ang aking mga mahal sa buhay na magkaroon ng pribilehiyo at pagkakataon na kilalanin at maging totoo sa kanilang sarili.
Hindi ko nais na makasagabal sa pagkakataon ng sinuman na matuklasan ang kagalakan at tiwala sa sarili na maaring kasama ng mga personal na tagumpay. Kung patuloy akong makikialam para protektahan sila mula sa mga masasakit na karanasan, malaking kapinsalaan din ang ginagawa ko sa kanila. Tulad ng sinabi ni Mark Twain, “Ang isang tao na nagdadala ng pusa sa pamamagitan ng buntot ay natututo ng isang bagay na hindi niya matututunan sa ibang paraan.”
Masakit pagmasdan ang ibang tao na nagdurusa o hayaan silang tahakin ang daan na alam kong patungo sa tiyak na kasakitan. Marami sa aking mga pagtatangka na iligtas ang iba ay naudyukan ng aking pagnanais na maiwasan nila ang kasakitang ito. Ngayon inaaral kong maramdaman ang sarili kong takot, pagdurusa, at dalamhati. Nakakatulong ito sa akin na maging handa na pagkatiwalaan ang proseso ng paglago kahalintulad ng sa iba, dahil alam ko mismo ang tungkol sa mga biyayang hatid nito.
Paalala ngayong araw
Minsan ay mas mapagmahal na payagan ang ibang tao na maranasan ang natural na kahihinatnan ng kanilang mga aksyon, kahit na ito ay masakit para sa amin pareho. Sa katagalan, pareho kaming makikinabang dito. Sa araw na ito ay uunahin ko ang pagmamahal sa aking buhay.
“Ang kailangan ko lang gawin ay alisin ang aking pangingialam at buksan ang aking puso.”
In All Our Affairs
(Sa Lahat Ng Ating Mga Gawain)