Sa isang kamakailang pagpupulong sa Al-Anon, hiniling sa amin na punan ang patlang sa pahayag na ito: “Kung _________ lamang ang mangyayari, magiging masaya ako.” Marami sa atin ang natutukso na sagutin na tayo ay magiging masaya kung ang ating mga mahal sa buhay ay magiging matino o mapapangalagaan ang sarili mula sa pag-inum ng alak. Ngunit ang iba pang “kung sana” ay nagpapanatili din sa ating pakiramdam na pinagkaitan: Kung ang aking amo, pamilya, trabaho, gobyerno, pananalapi, ay magbago sa paraang gusto ko, magiging masaya ako. Naging malinaw na marami sa atin ay inilalagay ang ating kaligayahan sa mga bagay na hindi natin kontrolado.
Kaya inilapat namin ang Unang Hakbang, at inamin na wala kaming kapangyarihan sa mga taong ito, lugar, at bagay. Ang mga “kung sana” ay ginawa ang ating buhay na hindi mapangasiwaan, ngunit isang mas mataas na Kapangyarihan na mas higit kaysa sa ating sarili ang makapagpapanumbalik sa atin sa katinuan. Marami sa atin ang nagpasyang isuko ang ating “kung sana” sa isang Mas Mataas na Kapangyarihan. Nung ito ay atin ng natanggap, tayo ay huminto sa pagkilos na parang mga biktima, na laging naghihintay para sa mga bagay na kusang magbago. Pinili naming gawin ang isang mas aktibong papel sa paghahanap ng kaligayahan sa dito at ngayon.
Paalala ngayong araw
Maraming bahagi ng buhay ko ang hindi ko kayang mabago. Ang kaya kong baguhin ay ang ugali ko. Ngayon ay maaari kong tanggapin ang aking buhay kung ano ito. Maaari akong magpasalamat at maging masaya, sa dito at ngayon, sa kung ano ang mayroon ako.
“Napakaraming hawak ng buhay—napakaraming dahilan upang maging masaya palagi. Karamihan sa mga tao ay nakasalalay ang kaligayahan base sa ating mga nakatakdang kondisyon. Ang kaligayahan ay mararamdaman lamang kung hindi ka magtatakda ng mga kundisyon.”
Artur Rubinstein