Naisip ko dati na ang pagiging mabuti sa aking sarili ay nangangahulugang kumain ng kahit anong gusto ko, pagbili ng anumang gustuhin o makita ko, pagtulog ng ilang oras ng aking gugustuhin sa isang gabi, at pag-iwas sa anumang aktibidad na hindi kasiya-siya at kapana-panabik. Ang problema ay ang mga kahihinatnan nito ay hindi komportable , at nang hinayaan kong isipin ang mga ito, naramdaman kong nasayang lang ang buhay ko.
Ngayon, ang pagiging mabuti sa aking sarili ay mas mahirap, ngunit ang mga benepisyo ay ganap na kahanga-hanga! Dumadalo ako ng dalawa o tatlong mga pagpupulong ng Al-Anon bawat linggo, binabasa ang aking panitikan araw-araw, at naglalaan ng oras upang makausap ang Diyos. Pilit kong pinagsisikapang gawing mas mahalaga ang aking katahimikan o pagmumuni-muni kaysa sa anumang mga pangyayaring nakasasalubong ko.
Natutuwa ako ngayon sa mga pagkaing kinakain ko, ang pag-ehersisyo sa paraang nasisiyahan ako, at ang pag-asiwa ng pera sa mas maingat na paraan. Ipinagdiriwang ko ang aking paglaki. Sumasayaw ako, gumuhit, at nasisiyahan ako sa mga magagandang pagkakaibigan. Ang aking pamumuhay ay hindi matibay, at hindi ko nais na maging ito. Nasisiyahan pa rin ako sa mga biglaang sandali, ngunit ngayon ay pinipili ko na sila.
Paalala Ngayon
Karapat-dapat akong gumawa ng mga desisyon na maganda at mabuti sa aking pakiramdam. Maaaring magtagal upang makakita nang mga resulta, ngunit bumubuo ako ng isang buhay na magtataguyod ng aking kalusugan at pagpapahalaga sa sarili. Sulit pa din ang paghihintay.
“Ang pinakamalakas na prinsipyo ng paglago ay nakasalalay sa pagpili ng tao”
George Eliot