Sa isang pagpupulong ay narinig kong may nagsabi tungkol sa Ika-walong Hakbang at Ika-siyam na Hakbang, “Gumawa ako ng listahan ng mga taong nasaktan ko at inilagay ko sa una ang aking sarili.” Ni minsan hindi nangyari ito sa akin. Mayroon nakapagsabi sa akin noon na ang isipin muna ang aking sarili ay mali, na tungkulin kong alagaan ang iba. Bilang kapalit, kailanman ay hindi ako naging handa na alagaan ang aking sarili kaya naging pasanin ako ng mga taong nakapaligid sa akin.
Nasaktan ko ba ang aking sarili? Oo naman. Yan ang nais kong lutasin. Sa totoo lang, ang pagbutihin ang aking sarili ang tanging magagawa ko lamang. Pero ngayon alam ko na responsibilidad ko rin ang aking sarili at ito ang unang hakbang para sa isang mas maayos at magandang mundo.
Paalala Ngayon
Ang pagiging totoo sa aking sariliay isa sa pinakadakilang regalo na maibibigay ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Marahil mabigyan ko sila ng inspirasyon na gawin din ito; marahil hindi. Bakit naman pagkakaabalahan ng iba na sundin ang aking galimbawa kung hindi ko mabigyang pansin ang aking sariling gawain? Ang magbigay ng payo sa iba ay panghihimasok; ang magbigay ng payo sa aking sarili ay aking paglago.
“Karamihan sa mga anino ng ating buhay ay sanhi ng pagtayo sa sarili nating sikat ng araw”
Ralph Waldo Emerson