Categories
Disyembre

December 23

Dumalo ako sa unang pagpupulong ko sa Al-Anon dahil gusto kong ipakita ang aking suporta sa isang malapit na kaibigan na isang miyembro nito. Nagulat ako, natagpuan ko ang aking sarili na nakikilala ko ang halos lahat ng nagbahagi. Hindi ko maintindihan at positibo ako na wala akong alam na mga alkoholiko! Sa loob ng maraming linggo ay patuloy kong naaalala kung ano ang aking narinig sa pagpupulong na iyon, at sa wakas, walang sabi, bumalik ako, at nanatili ako.

Ngunit pakiramdam ko’y isa akong impostor tuwing naririnig ko ang Ikatlong Tradisyon, na nagsasaad, “Ang tanging kinakailangan lamang para sa pagiging miyembro ay magkaroon ng isang problema ng alkoholismo sa isang kamag-anak o kaibigan.” Ang pagkakasala na ito ay naging imposible para sa akin na makibahagi sa mga pagpupulong. Ngunit nanatili akong pabalik-balik, at dahan-dahan nagsimulang gumaan ang aking pakiramdam.

Tumagal ako ng higit sa isang taon upang mapagtanto na ako ay isang nasa wastong anak ng mga magulang na alkoholiko. Laking pasasalamat ko na nabigyan ako ng oras at ng suporta na magkaroon ng kamalayan na ito kapag handa na ako.

 

Paalala Ngayon

Isa sa mga palatandaan na naapektuhan ako ng alcoholismo ay sa palagay ko alam ko kung ano ang dapat gawin ng iba pa. Tulad ng ipinaliwanag ng Labindalawang Hakbang at Labindalawang Tradisyon ng Al-Anon, ang Ikatatlong Tradisyon ay direktang nagsasalita sa atin na nagkakamali sa pakiramdam na ang isang bagong dating ay dapat na tanggihan kapag,  natutugunan niya ang kundisyon para sa pagiging miyembro. “Dapat akong magpasya para sa aking sarili kung ako ay akma sa kinakailangan para sa pagiging kasapi ng Al-Anon. Ipaparating ko ang parehong kagandahang-loob sa iba.