Categories
Disyembre

December 25

Sa Al-Anon natututo tayong “Mag-isip” bago tayo sumabog sa galit at magparatang ng walang basehan. Natutunan nating magtimpi sa tuwing tayo ay natutuksong makialam sa mga bagay na hindi natin dapat pakialamanan. Nalaman natin ang halaga ng katahimikan.

Ngunit ang katahimikan ay maaaring maging mas masakit na kaparusahan kaysa sa paglabas ng ating saloobin. Ang sadyang pagwawalang-bahala sa  isang tao na nagtatangkang makipag-usap ay walang pagkakaiba sa pakikipagsagutan ng galit. Ang pagngangalit na ipinahayag nang di-pasalita sa pamamagitan ng malamig na pakikitungo at mga pagdabog ay galit pa rin. Kapag hinahangad kong saktan ang ibang tao gamit ang katahimikan o anumang iba pang sandata na magagamit ko, palagi kong sinasaktan ang aking sarili.

Kung mayroon akong isang bagay na kailangan kong sabihin at hindi ko ito masabi sa isang mabuting paraan, marahil ay maaari akong pumunta sa isang pagpupulong sa Al-Anon o tawagan ang aking Sponsor at maglabas ng aking mga hinanakit sa kanila. Tatandaan ko na ang aking hangarin ay pagalingin ang aking sarili at ang aking mga relasyon sa ibang tao. Susubukan kong gumawa ng mga pagpipilian na susuporta sa mga layuni kong ito.

 

Paalala Ngayon

Ano ang mensahe ng aking katahimikan? Ngayon! susubukan ko na ihanay ang katahimikan ng aking dila sa isang katahimikan ng diwa.

 

“… Kung ang katahimikan ay mayroong kahit isang bakas ng galit o poot, nawwala ang lahat ng lakas nito. … Ang tunay na tahimik ay may kalidad ng katahimikan, pagtanggap, kapayapaan.”

Paisa-isang Araw at oras sa Al-Anon

English Translation

In Al-Anon we learn to “Think” before we react to angry outbursts and drunken accusations. We learn to hold our tongues when tempted to interfere in some thing that is clearly none of our business. We learn the value of silence.

But silence can be more cutting than cruel words when it’s used to punish. Deliberately ignoring someone’s attempts to communicate is no better than engaging in a battle of words. Rage that is expressed non-verbally through cold looks and slammed doors is still rage. When I seek to hurt someone else with silence or any other weapon at my disposal, I always hurt myself.

If I have something I need to say and am as yet unable to say it in a constructive manner, perhaps I can go to an Al-Anon meeting or call my Sponsor and release some of the explosive feelings. I will remember that my aim is to heal myself and my relationships. I will try to make choices that support this goal.

 

Today’s Reminder

What message does my silence communicate? Today! will try to align the stillness of my tongue with a stillness of spirit.

 

“… If the silence has in it even a trace of anger or hostility, it loses all its power. … True quiet has the quality of serenity, acceptance, peace.”

 

One Day at a Time in Al-Anon