Minsan napipilitian ako na tanggapin ang hindi kasiya-siyang mga katotohanan. Maaari kong iwasan ang mga pagkabigo, ngunit nalaman ko na ang tanging paraan upang magkaroon ng katahimikan ay ang pagiging handa na tanggapin ang mga bagay na hindi ko mababago. Ang pagtanggap ay nagbibigay sa akin ng mga pagpipilian.
Halimbawa, isang araw tumawag ako sa aking Sponsor dahil ang alkoholiko at ako ay mayroong tiket sa isang konsyerto gabig iyon at natatakot akong malasing siya at mawalan ng malay bago pa man kami umalis sa bahay. Nangyari ito ng marami nang beses dati: Ang aming tiket ay masasayang, at matatapos ang gabi ng walang nangyari.
Sinuggest ng aking Sponsor na magkaroon ako ng mga back-up na plano sa tuwing ang aking mga plano ay nagsasangkot sa isang tao na hindi ko maaasahan. Ang Plan A ay ang orihinal na night out. Ang Plan B ay maaaring tumawag nang maaga sa isang kaibigan na Al-Anon, ipaliwanag ang sitwasyon, at alamin kung magiging interesado siya sa huling minutong paanyaya kung hindi natuloy ang Plan A. Ang Plan C ay maaaring lumabas at magsaya ng mag-isa. Ang bagong diskarte na ito aay isang mahusay na paraan upang maisagawa ang pagtanggap sa aking buhay.
Paalala Ngayon
Hindi ko na kailangang umasa sa isang tao o sitwasyon upang makapagpatuloy sa aking araw. Ngayon may mga pagpipilian na ako.
“Consider the little mouse, how sagacious an animal it is which never entrusts his life to one hole only.”
Plautus