Nang una kong marinig na ang pinakamahusay na paraan upang matulungan ang isang alkoholiko ay magtuon sa aking sarili, naisip kong ang Al-Anon ay isang walang pusong lugar kung saan pipilitin kong ihinto ang pagmamalasakit sa aking mga mahal sa buhay. Napagpasyahan kong hindi na bumalik, ngunit may nagbahagi sa akin na nakapag-pabago ng aking isip. Sinabi niya na kahit na ang pagnanais na tulungan ang ibang tao ay maaaring maging masigasig at mahabagin, ang aming mga dating paraan ng “pagtulong” ay maaaring hindi talaga nakatutulong. Nag-aalok ang Al-Anon ng isang bagong paraan upang makatulong.
Sinuri ko ang aking bersyon ng pagtulong sa alkoholiko. Nakita ko na kung pagtatakpan ko siya sa hindi pagbabayad ng mga kredito o gumawa ng mga dahilan para sa kanya, pinipigilan ko siyang harapin ang mga kahihinatnan ng kanyang mga ginawa. Pinagkakaitan ko siya ng mga pagkakataon na posibleng siya ay magbago.
Kailangan ko ring isaalang-alang kung bakit pakiramdam ko desperado ako maliban kung ako ay tumutulong. Kung titingnan ko ang aking mga motibo, nalaman kong ang aking pagkabahala ang ayaw kong harapin.
Paalala Ngayon
Ang tulong ba na inaalok ko ay tunay na mapagmahal o mayroon ba akong ibang mga motibo? Sinusubukan ko bang baguhin ang ibang tao o ipagawa sa kanila ang gusto ko? Ang pakikipag-usap ukol dito sa aking Sponsor ay maaaring mag-alok ng iba ang panibagong pananaw, Ang pinakamagandang pag-asa para sa pagtulong sa aking mga mahal sa buhay ay talagang nagsisimula kapag nakatuon ako sa aking sarili.
“Sa Al-Anon natututunan natin:
-Huwag maglikha ng isang krisis;
-Huwag iwasan ang isang krisis kung ito ay nasa natural na kurso ng mga kaganapan.”