Nabuhay ako dati na para bang nasa isang hagdan. Ang bawat tao’y minsan mas nakatataas sa akin – upang katakutan o kainggitan -o di kaya naman ay mas nakabababa sa akin upang kaawaan. Ang Diyos ay daan, ang daan paitaas, lampas sa aking paningin. Iyon ay isang mahirap, malungkot na paraan upang mabuhay, sapagkat walang dalawang tao ang maaaring tumayo nang kumportable sa iisang hagdan nang napakatagal.
Pagdating ko sa Al-Anon, nakita ko ang maraming tao na nagpasya na bumaba sa kanilang mga hagdan patungo sa samahan ng pakikisama. Sa samahan, kaming lahat ay pantay-pantay, at ang Diyos ay nasa gitna, madaling ma-access. Nang dumating ang mga bagong dating hindi kami nag-alala tungkol sa pag-aayos ng posisyon ng bawat isa, pasimpleng pinalalawak namin ang samahan.
Ngayon hindi na ako tumitingala sa iba at hindi ko na rin ibinababa ang iba. Maaari kong tingnan ang mata ng bawat tao, patas at matapat. Ngayon, ang pagiging mapagpakumbaba ay nangangahulugang pag-akyat mula sa hagdan ng paghatol sa aking sarili at sa iba, at paglalagay sa aking nararapat na lugar sa isang pandaigdigang samahan ng pag-ibig at suporta.
Paalala Ngayon
Ang aking saloobin ay ang aking mga guro. Tinuturo ba nila akong mahalin at pahalagahan ang sarili ko at ang iba, o tinuturo nila akong magsanay ng pakikipaghiwalay? Ngayon pipiliin ko ang aking mga guro na may higit na pangangalaga.
“Ang Mabuhay at Hayaang Mabuhay ay nagpapalaya sa atin mula sa pagpipilit na punahin, hatulan, parusahan, at gumanti.. kung saan kaya nitong mas makasira sa ating sarili kaysa sa kung kanino tayo gumagamit ng gayong mga sandata. Tinutulungan tayo ng Al-Anon na malaman ang pagpapaubaya na naka-ugat sa pag-ibig. “
Ito ang Al-Anon