Categories
Marso

March 3

Ang isang kamakailang paghahanap at walang takot na imbentaryo ng moralidad ng aking sarili (Ika-Apat na Hakbang) ay nagbigay sa akin ng isang malinaw na mensahe: Karamihan sa aking pag-uugali ay lubos na wala pa sa gulang. Ngunit ano ang mature/ganap na pag-uugali? Malinaw na ang sagot ay magkakaiba para sa bawat isa sa atin, ngunit ang paggalugad ng tanong ay makakatulong sa akin na makilala ang aking mga layunin at magamit ang programa ng Al-Anon habang hinahangad kong baguhin ang ugaling ito. Sa akin, kasama sa kapanahunan ang: Pagkilala sa aking sarili.

Ang paghingi ng tulong kapag kailangan ko ito at ang pagkilos ng mag-isa na hindi naman kinakailangan.

Ang pag-amin sa aking mga pagkakamali at pag-aayos ng pagkakamaling iyon. Ang pagtanggap ng pagmamahal mula sa iba, kahit na nahihirapan akong magmahal ng aking sarili.

Ang pagkilala na palagi akong may mga pagpipilian, at ang pagtanggap ng mga responsibilidad para sa mga gagawin ko.

Ang pagtingin sa buhay bilang isang pagpapala.

Ang pagkakaroon ng isang opinyon nang hindi pinipilit ang iba na magkaroon din nito

Ang pagpapatawad sa sarili ko at sa iba pa.

Ang pagkilala nang aking mga pagkukulang at aking kalakasan. Ang pagkakaroon ng lakas ng loob upang mabuhay ng paisa-isang araw at oras. Ang pagkilala na ang aking mga pangangailangan ay aking responsibilidad.

Ang pangangalaga sa mga tao nang hindi kinakailangang alagaan sila.

Ang pagtanggap na hindi ako matatapos dahil palagi akong magiging isang nasa-pag-unlad.

English Translation

A recent searching and fearless moral inventory of myself (Step Four) gave me a clear message: Much of my behavior was extremely immature. But what is mature behavior? Obviously the answer is different for each of us, but exploring the question can help me to identify my goals and apply the Al-Anon program as I seek to change this behavior. To me, maturity includes: Knowing myself.

Asking for help when I need it and acting on my own when I don’t.

 

Admitting when I’m wrong and making amends. Accepting love from others, even if I’m having a tough time loving myself.

 

Recognizing that I always have choices, and taking responsibility for the ones I make.

 

Seeing that life is a blessing.

 

Having an opinion without insisting that others

share it.

 

Forgiving myself and others.

 

Recognizing my shortcomings and my strengths. Having the courage to live one day at a time. Acknowledging that my needs are my responsibility.

 

Caring for people without having to take care of them.

 

Accepting that I’ll never be finished I’ll always be a work-in-progress.