Categories
Enero

January 24

Maglalakas-loob ako na maging totoo. Maaaring matukso akong magbigay ng isang ngiti sa aking mukha kahit na ako ay galit, upang mapasang-ayon ang iba. Kapag tatanggihan ang isang paanyaya, maaari akong gumawa ng mga dahilan upang sa ganon ay walang masaktan. Maaaring hilig kong kanselahin ang mga plano na pinapahalagahan ko, nang walang protesta, dahil mas gusto ng mahal ko sa buhay na manatili sa bahay at ayaw ko nang magsimula pa ng away. Ang mga ito ay maaaring katanggap-tanggap na mga pagpipiliian, at maaari akong pumili para sa kaninuman o sa kanila. Ngunit sa araw na ito ay magiging matapat ako sa aking sarili tulad ng ginagawa ko, hindi ako magkukunwari na nararamdaman ang hindi ko nararamdaman o naisin ang hindi ko gusto.

Hindi sinasabi ng Al-Anon kung paano tayo dapat kumilos. Hindi ito gumagawa ng batas kung ano ang tama o maling pagpipilian. Ngunit hinihikayat ako ng Al-Anon na tingnan at walang takot na suriin ang aking sarili, ang aking mga nararamdaman, mga motibo, at mga aksyon. Matututunan ko lamang mahalin ang aking sarili kung handa akong kilalanin kung sino ako.

Paalala Ngayon

Mayroon akong karapatang magustuhan kung ano ang gusto ko at maramdaman ang nararamdaman ko. Maaaring hindi ako mamili upang kumilos sa mga damdaming iyon o kagustuhan, ngunit hindi ko ito itatago sa aking sarili. Bahagi sila ng aking pagkatao.

“Ang higit sa lahat: Maging totoo ka sa sarili mo.”

William Shakespeare

English Translation

I will dare to be myself. I may be tempted to paste a smile on my face even though I am angry, in order please another to person. When turning down an invitation, I may want to make excuses so that nobody will be hurt. I may be inclined to cancel plans that I care about, without protest, because a loved one prefers to stay home and I don’t want to make waves. These may be perfectly acceptable choices, and I may opt for any or all of them. But today I will be honest with myself as I do so I will not pretend to feel what I do not feel or to want what I do not want.

Al-Anon does not tell me how to behave. It doesn’t legislate right or wrong choices. But Al-Anon does encourage me to look searchingly and fearlessly at myself, my feelings, motives, and actions. I can only learn to love myself if I am willing to learn who I am.

 

Today’s Reminder

I have a right to want what I want and to feel the way I feel. I may not choose to act on those feelings or desires, but I won’t hide them from myself. They are part of me.

 

“This above all: to thine own self be true.”

William Shakespeare