AGOSTO 20
May nakasulat sa isang billboard sa aking bayan, “May pumupunta sa bukal ng kaalaman para uminom. May pumupunta para magmumog.” Ang aking sarili bago si Al-Anon ay tatawa-tawa sa mensaheng ito, ngunit nakaramdam ako ng kaunting pag-aalala tungkol sa kung ako ay isang manginginom o isang taga-mumog. Ang buhay ay itim o puti, at para maging komportable, kailangan kong malaman kung aling extreme ang tama. Pero kahit anong label ang ikabit ko sa aking sarili ay mag-iiwan ng maling pakiramdam, kaya mag-kukumahog akong ayusin ang sarili ko.
Ngayon, salamat kay Al-Anon, mas madali kong tinatanggap ang pag-iisip na minsan umiinom ako, minsan nagmumog, at minsan ay tinutusok ko ang aking daliri sa paa sa fountain habang nadadapa ako. Hindi ko kailangang gumawa ng mas mahusay o naiiba. Ang pinakamahusay na magagawa ko ay sapat na. Makakapag-relax ako at mag-eenjoy sa biro.
Paalala sa Araw na Ito
Hinihikayat ako ni Al-Anon na suriin ang aking mga iniisip at kilos, ngunit ito ay sinadya bilang isang gawa ng pagmamahal sa sarili, hindi bilang isang sandata na gagamitin laban sa aking sarili. Kapag sinimulan kong tanggapin ang aking sarili nang eksakto kung ano ako, ang buhay ay magiging mas malumanay.
“Minsan nagsisikap tayo nang husto na hindi natin nakikita na ang liwanag na hinahanap natin ay nasa ating kalooban.”
Sa Aming Pagkakaunawa… (As We Understood…)