Sa Al-Anon marami tayong pinag-uusapan tungkol sa pangangailangang hayaan ang iba na maranasan ang kahihinatnan ng kanilang mga aksyon. Alam natin na ang karamihan sa mga alkoholiko ay kailangang tumama sa “pinakailalim (bottom)” at maging hindi komportable sa kanilang sariling pag-uugali bago sila epektibong makagawa ng hakbang tungkol dito. Sa ating mga nagmamahal sa mga alkoholiko ay kadalasan kailangang matutong lumayo sa pinakailalim na ito. Matuto tayong lumayo nang may pagmamahal.
Isa pang dahilan sa paglayo na may pagmamahal ay maaaring kasinghalaga ng pagbuo ng malusog, mapagmahal, at magalang na relasyon. Marami sa atin ang nakikialam hindi lamang sa mga problema ng isang mahal sa buhay kundi pati na rin sa kanilang mga tagumpay. Maaaring mayroon akong magandang intensyon, ngunit kung aakuin ko ang mga responsibilidad ng ibang tao, maaari kong maagaw sa kanila ang pagkakataong pagtagumpayan ang isang bagay at maging maganda ang pakiramdam tungkol sa kanilang nagawa. Bagama’t sinusubukan kong tumulong, ang aking mga aksyon ay maaaring nagpapahiwatig ng kawalan ng paggalang sa mga kakayahan ng aking mga mahal sa buhay. Kapag lumayo ako ng may pagmamahal, nag-aalok ako ng suporta sa pamamagitan ng pagpapalaya sa mga pinapahalagahan ko upang maranasan ang kanilang sariling mga kasiyahan at pagkabigo.
Paalala sa Araw na Ito
Natututunan ko ang pagkakaiba sa pagitan ng tulong at panghihimasok. Ngayon ay susuriin ko ang paraan ng pag-aalok ko ng suporta.
“Ang detatsment ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng interes…. Itinuring ko ang detatsment na ‘paggalang sa katauhan ng iba.””
Al-Anon Hinaharap ang Alkoholismo (Al-Anon Faces Alcoholism)