Categories
Mayo

May 5

Ang pagpapakumbaba para saken ay isang konsepto na mahirap maunawaan. Itinuro mula pagkabata na unahin ang mga gusto at pangangailangan ng iba laging higit sa aking sarili, itinumbas ko ang pagpapakumbaba sa pangangalaga sa iba at pagbalewala sa sarili kong nararamdaman at pangangailangan. Sa Al-Anon nalaman ko na ang tunay na pagpapakumbaba ay hindi nakakahiya; hindi ito nangangahulugan ng pagpabaya sa sarili kong mga pangangailangan. Sa katunayan, ang pagpapakumbaba ay hindi nasusukat sa kung gaano kalaki ang aking ginagawa para sa ibang tao, kundi sa pamamagitan ng aking kahandaang gawin ang aking parte kaugnay ng aking relasyon sa Diyos ayon sa aking pagkakaunawa sa kanya. Nagsimula akong matuto ng pagpapakumbaba nung ginawa ko ang Unang Hakbang.

Sa pamamagitan ng pagtanggap na ako ay walang kapangyarihan, binibigyan ko ng puwang ang posibilidad na ang isang kapangyarihang higit sa aking sarili ay magagawa ang lahat ng mga bagay na hindi ko kayang abutin. Sa madaling salita, nagsimula akong matuto tungkol sa kung ano ang, at hindi ko responsibilidad. Habang nagiging malinaw ito, mas nagagawa ko ang aking parte, para sa aking sarili at para sa iba, at mas nagagawa kong hilingin sa Diyos na gawin ang iba pa.

Paalala ngayong araw

Bahagi ng pag-aaral ng pagpapakumbaba ay ang pag-aaral na mag-ambag sa aking sariling kapakanan. Ngayon ay gagawa ako ng isang bagay na mapagmahal para sa aking sarili na karaniwan kong ginagawa para sa iba.

“Hindi natin masasabi kung ano ang maaaring mangyari sa atin sa hindi pangkaraniwang takbo ng buhay. Ngunit maaari tayong magdesisyon kung ano ang mangyayari sa atin at -kung paano natin ito tatanggapin, kung ano ang gagawin natin dito—at iyon ang talagang mahalaga sa huli.”

Joseph Fort Newton

English Translation

Humility was a tough concept for me to comprehend. Taught from childhood to place the wants and needs of others always above my own, I equated humility with taking care of others and ignoring my own feelings and needs. In Al-Anon I have learned that true humility is not degrading; it doesn’t require that I neglect my own needs. In fact, humility is not measured by how much I do for other people, but by my willingness to do my part in my relationship with the God of my understanding. I begin to learn humility when I take the First Step.

By admitting I am powerless, I make room for the possibility that a Power greater than myself can do all those things that are beyond my reach. In other words, I begin to learn about what is, and is not, my responsibility. As this becomes clear, I am better able to do my part, for myself and for others, and better able to ask God to do the rest.

Today’s Reminder

Part of learning humility is learning to contribute to my own well-being. Today I will do something loving for myself that I’d normally do for someone else.

 

“We cannot tell what may happen to us in the strange medley of life. But we can decide what happens in us -how we can take it, what we do with it—and that is what really counts in the end.”

Joseph Fort Newton