Minsan nagiging abala ako sa pagtitig sa aking mga problema kaya’t nawawala ang gabay na ibinibigay sa akin. Kapag handa na akong hayaan ang pangangailangang gawin ito nang mag-isa, maaari akong makinig sa iba at makatanggap ng direksyon mula sa aking Poong Makapangyarihan. Mas nagagawa kong kumilos sa kabila ng aking mga problema at nasisimulan ang paglutas ng mga ito.
Ito ay naging malinaw sa akin nang ako ay nakulong sa isang biglaang, nakakabulag na bagyo ng nyebe. Dahil sa sobrang sama ng panahon, napakalabo ng aking abot tanaw kaya hindi ko makita ang mga gilid ng kalsada; hindi ko masabi kung saan nagsimula at natapos ang driving lane ko. Nahirapan akong hanapin ito sa aking sariling pamamaraan, ngunit sa wakas sa aking pagsuko ay nagsimula akong huminto sa kalsada upang upuan at palipasin ang bagyo. Pagkatapos ay napagtanto ko na maaari akong makauwi kung hahayaan ko ang mga puno na nakahanay sa kalsada na tulungan akong sukatin ang aking kasalukuyang kinatatayuan.
Kapag tinanggap ko na ang tulong ay kadalasang dumarating sa mga hindi inaasahang paraan at pagkakataon, maaari kong bitawan ang aking paghawak sa problema at maging handa tumanggap ng tulong.
Paalala ngayong araw
Kailangan kong gumawa ng maraming bagay para sa aking sarili, ngunit hindi ko lubos na kaya ang aking sarili. Kailangan ko ang tulong, suporta, at patnubay na natatanggap ko mula sa aking Poong Makapangyarihan at sa aking mga kaibigang Al-Anon. Kapag nahuli ko ang aking sarili na nahihirapan sa isang problema ngayon, hahayaan ko ito hanggang sa maabot ang tulong na kailangan ko.
“Kapag natutunan nating pakawalan ang problema, ang mapagmahal na pagmamalasakit at tulong ng ibang mga miyembro ay magbibigay ng malakas na suporta upang matulungan tayong maunawaan kung ano ang magagawa ng programang Al-Anon para sa atin.”
Ito ang Al-Anon