Ang isang kamakailang paghahanap at walang takot na imbentaryo ng moralidad ng aking sarili (Ika-Apat na Hakbang) ay nagbigay sa akin ng isang malinaw na mensahe: Karamihan sa aking pag-uugali ay lubos na wala pa sa gulang. Ngunit ano ang mature/ganap na pag-uugali? Malinaw na ang sagot ay magkakaiba para sa bawat isa sa atin, ngunit ang paggalugad ng tanong ay makakatulong sa akin na makilala ang aking mga layunin at magamit ang programa ng Al-Anon habang hinahangad kong baguhin ang ugaling ito. Sa akin, kasama sa kapanahunan ang: Pagkilala sa aking sarili.
Ang paghingi ng tulong kapag kailangan ko ito at ang pagkilos ng mag-isa na hindi naman kinakailangan.
Ang pag-amin sa aking mga pagkakamali at pag-aayos ng pagkakamaling iyon. Ang pagtanggap ng pagmamahal mula sa iba, kahit na nahihirapan akong magmahal ng aking sarili.
Ang pagkilala na palagi akong may mga pagpipilian, at ang pagtanggap ng mga responsibilidad para sa mga gagawin ko.
Ang pagtingin sa buhay bilang isang pagpapala.
Ang pagkakaroon ng isang opinyon nang hindi pinipilit ang iba na magkaroon din nito
Ang pagpapatawad sa sarili ko at sa iba pa.
Ang pagkilala nang aking mga pagkukulang at aking kalakasan. Ang pagkakaroon ng lakas ng loob upang mabuhay ng paisa-isang araw at oras. Ang pagkilala na ang aking mga pangangailangan ay aking responsibilidad.
Ang pangangalaga sa mga tao nang hindi kinakailangang alagaan sila.
Ang pagtanggap na hindi ako matatapos dahil palagi akong magiging isang nasa-pag-unlad.