Lahat tayo ay nagkakamali. Ngunit sana, sa paggamit namin ng programa ng Al-Anon sa ating buhay at ang patuloy na paglaki ng kamalayan sa ating mga sarili, may matututunan tayo mula sa mga pagkakamaling iyon. Maaaring gawin ang pakikipag-aayos para sa anumang pinsala na nagawa natin, at maari nating baguhin ang ating asal at pag-uugali upang hindi na maulit ang parehong mga pagkakamali. Kaya, kahit na ang masakit na mga nakaraang karanasan ay maaaring makatulong sa atin na malaman kung paano lumikha ng isang mas maayos at maginhawang hinaharap.
Ang pinakamalaking balakid sa proseso ng pag-aaral na ito ay ang kahihiyan. Ang kahihiyan ay isang dahilan upang kapootan natin ang ating sarili para sa isang bagay na ginawa o hindi natin ginawa sa nakaraan. Walang puwang sa isang kahihiyang pag iisip para sa katotohanang ginawa natin ang ating makakaya sa oras na iyon, walang puwang upang tanggapin na bilang isang tao ay dapat tayong magkamali.
Kung nahihiya man ako, kailangan ko ng isang pagsusuri sa katotohanan sapagkat ang aking pag-iisip ay maaaring magulo. Kahit na ito ay maaaring nangangailangan ng matapang na lakas ng loob, kung ibabahagi ko ang tungkol dito sa isang kaibigan sa Al-Anon, magagambala ko ang mga mapanirang kaisipan at magbibigay ito ng puwang para sa isang mas mapagmahal at malusog na pananaw. Sa kaunting tulong, maaari kong matuklasan na kahit ang aking pinaka-nakakahiyang sandali ay maaaring pagpalain nito ang aking buhay sa pamamagitan ng pagtuturo sa akin na lumingon sa isang mas positibong direksyon.
Paalala Ngayon
Ngayon ay mamahalin ko ang aking sarili nang sapat upang makilala na ang kahihiyan ay isang kamalian sa paghatol. Ang pinakahuling aral na dapat nating malaman lahat ay ang pagmamahal na walang pasubali, na kinabibilangan hindi lamang ng iba kundi sa ating sarili din.
Elisabeth Kübler-Ross