Marami sa amin ay natutunan ang halaga ng pagpapahayag ng aming sarili sa Al-Anon. Nalaman namin kung ano ang nararamdaman at pakinabang nito sa pagbibigay boses sa aming damdamin ng naaangkop. Ngunit mayroong pagkakaiba ang pagpapahayag ng ating sarili at paggamit ng mga salita upang kontrolin ang iba.
Minsan ang tanging paraan upang matukoy ko kung ako ba ay nangongontrol ng iba o pinapapahayg ko lang ang aking damdamin ay sa pamamagitan ng pagpansin kung ilang beses kong inuulit-ulit ang aking sinasabi. Sa tuwing may naiisip ako ay naibubulalas ko ito kahit anuman ang tugon nila sa akin dahil alam kong nagsasabi ako ng tapat. Kung paulit-ulit akong gumagawa ng mga katulad na mungkahi o nagtanong nang paulit-ulit na tanong, malamang ay sinusubukan kong magkontrol. Kung nasisiyahan lamang ako kapag ang iba ay tumugon sa paraang sa tingin ko ay kanais-nais-sumasang-ayon sa aking sinabi o tumatanggap ng aking payo-sa gayon ay alam kong nawala ako sa pokus.
Paalala Ngayon
Natututo na akong maging tapat sa aking sarili. Hinding-hindi ko gagamitin ang aking pagbuti bilang dahilan upang bigyang katwiran ang aking mga pagsisikap na baguhin ang isip ng ibang tao. Ang pagkontrol sa iba ay bibigyan lamang ako ng sakit ng ulo. Sa halip, agad na aminin ang mga pagkakamali at agad na ibalik ang lakas kung saan talaga at ito ay ang pagpokus sa aking sarili.
“Dapat ay magkaroon tayo ng labis na kapayapaan kapag hindi natin pinapansin ang sinasabi at ginagawa ng iba.”
Thomas à Kempis