Ang paninirahan kasama nang alkoholismo, natutunan ko na ang mga plano ay maaaring magbago anumang oras at ang mga panuntunang iyon ay nag-iiba. Bumuo ako ng isang malalim na kawalan ng tiwala sa lahat dahil wala akong ibang maaasahan.
Bilang resulta, madalas kong nahahanap ang aking sarili na sinusunggaban ang anumang pagkakataon nang hindi ko ito pinag-iisipan. Sa likod ng aking aksyon ay ang isang pakiramdam ng pagkawalang pag-asa: “Mas mabuting kunin ko na ito ngayon-maaaring ito lamang ang aking pagkakataon.” Ipinapakita sa akin ng Al-Anon ang panibago at iba’t ibang diskarte: Maaari akong mabuhay nang paisa-isang araw sa bawat pagkakataon. Maaari kong ibatay ang aking mga pagpipilian sa kung ano sa palagay ko ang tama para sa akin ngayon, kaysa sa kung ano ang kinakatakutan kong baka mawala sa ibang oras sa hinaharap. Maaari akong mag isip muna bago ako tumugon sa aking mga kinakatakutan, at tandaan na madali ko itong magagawa.
Kung sa tingin ko ay hindi ko magagawa ang isang bagay ngayon, magtitiwala ako na magkakaroon ng isa pang pagkakataon kung ito ay isang bagay na nilalayon kong gawin. Hindi ito kailangang maging ngayon o hindi, lahat o maging wala.
Paalala Ngayon
Ngayon hindi ko na kailangang limitahan ng aking mga kinatatakutan. Sa halip, magagawa ko ang sa tingin ko ay tama. Hindi ko kailangang sundin ang bawat mungkahi o kumuha ng bawat alok na matatanggap ko. Maaari kong isaalang-alang ang aking mga pagpipilian at manalangin para sa patnubay upang piliin kung ano ang pinakamahusay para sa akin.
“Mayroong isang patnubay para sa bawat isa sa atin, at sa pamamagitan ng malalim na pakikinig ay maririnig natin ang tamang mga salita ..Ilagay ang iyong sarili sa gitna ng daloy ng kapangyarihan at karunungan na dumadaloy sa iyong buhay. Nang sa gayon nang walang pagsisikap, mahihimok ka sa katotohanan at sa perpektong kasiyahan.”
Ralph Waldo Emerson