Pinipilit kong matutunan ang paglayo. Ang pamumuhay ng may aktibong alkoholismo ay nakalilito, at ang ideya ng paglayo ay tila malabo. Ang alkoholiko sa aking buhay ay hindi mapakali sa pagtulog na halos bawat gabi ay nahuhulog siya sa kama. Alam kong tungkulin kong tulungan siyang bumalik sa kama. Isang gabi, pagkatapos kong dumalo sa pagpupulong ng Al-Anon, dumiretso ako sa kama at pinabayaan ko siyang matulog sa sahig. Tagumpay! nang magpunta ako sa aking susunod na pagpupulong sa Al-Anon, sinabi ko sa kanila, “Natutunan ko na rin sa wakas ang paglayo!” Ang paglayo ay may kasamang pag-ibig.
Iniwan ko ang pagpupulong na iyon ng may bagong pag-unawa na isasagawa ko sa susunod na ang aking mahal ay mahulog mula[ sa kama. Sa tuwing makikita ko siya sa sahig, hindi ko pa rin siya tutulungan sa kama. Ngunit lalagyan ko siya ng kumot bago ko siya iwan at magpatuloy matulog. Ito para sa akin ay lumayo nang may kasamang pagmamahal.
Paalala Ngayon
Sa tulong ng aking Mas Nakatataas na Kapangyarihan, magpapanatili ako ng isang mapagmahal na kumot ng may paglayo. Tatakpan ko gamit nito ang aking mga mahal sa buhay, kahit na may problema man sila o isang sakit, aalalahanin ko na kapag nakikipag-usap ako sa ibang mga tao, nakikipag-usap ako sa mga anak ng Diyos.
“Ang paglayo ay hindi pagkikipag-hiwalay, at hindi rin dapat tayo manatiling nakatuon sa pag-ulit ng mga hindi magandang pag-uugali ng nakaraan. Ang paglayo ay hindi isang pader; ito ay isang tulay na kung saan ang Al-Anon ay maaaring magsimula ng isang bagong paraan sa buhay at makakapag-uugnay ng mga relasyon sa pangkalahatan.”
Al-Anon: Ang Kasangkapan ng Pamilya sa Paggamot ng Alkoholismo