Ang Ika-anim na Hakbang ay nagsasabi tungkol sa pagiging handa ko na tanggalin lahat ng Diyos ang mga pagkukulang sa aking pagkatao. Ang kahandaang ito ay bihira lamang dumarating sa akin. Kapag nahihirapan akong magkaroon ng progreso ay paunti-unti na akong nagiging handa dahil dito. Isa sa importanteng parte ng aking Ika-anim na Hakbang ay ang pagkakaroon ng pasasalamat at utang ng loob sa ibang tao. Mas maraming pagpapasalamat sa kung anong mayroon ako ay mas natatanggap ko ang paghilom na nagbibigay lago at pagbabago sa aking buhay. Sa pamamagitan ng pagkilala at paglinang sa aking mga abilidad ay mas nagiging bukas ako sa pagpapalaya sa aking mga pagkukulang.
Ang Hakbang na ito ay isang leksiyon patungkol sa pagtitiyaga, pero nakikita ko ang aking sariling maging bukas sa ibang kalagayan sa pagkakataong ito ay nagiging mas handa ako na tanggalin lahat ng Diyos ang aking mga pagkukulang sa aking pagkatao.
Paalala Ngayon
“Progreso, hindi ang kasakdalan” ang nagbibigay sa akin ng kahandaan na alisin lahat ng aking pagkukulang, pati na rin sa ibang parte ng programa ng Al-Anon. Hinay hinay lang at magkakaroon ako ng progreso sa kahandaan.
“Ang Ika-anim na Hakbang ang aking pagkakataon na kilalanin ang Diyos. Ang aking layunin ay maging handa na alisin lahat ng aking pagkakamali at Diyos na ang bahala sa iba.”
Alateen – isang araw sa isang oras.