Masasabing nawawala ka na sa katinuan ng isip kapag ginagawa mo ang mga bagay ng paulit-ulit at umaasang magbibigay ito ng iba’t ibang resulta. Ang pagkontrol sa mga tao, lugar at mga bagay noon ang aking pinaniniwalaan na sa tingin ko ay tama para sa mga ito. Pero hindi ito ang tamang parran para mamuhay, ang pagkontrol sa lahat. Ikatlong hakbang, “Ipagpasa-Diyos natin ang lahat ng ating desisyon,” ito ang dahilan kaya aking nakokontrol ang aking sarili. Ibig sabihin ay pagpili sa buhay na maayos o magulo – ang aking kagustuhan o kagustuhan ng Diyos. Paulit-ulit akong nabigo sa aking mga kagustuhan kaya ang tanong ko sa aking sarili kung hanggang kailan ako magpapatuloy bago ko tatanggapin ang aking pagkatalo at humingi ng tulong.
Paalala Ngayon
Napakadaling sabihin na ang pagiging manginginom ng alak ay isang desisyon na walang katwiran at nakakasira sa sarili. Pero napakahirap tanggapin na ang aking ugali’t asal ay mabuti. Ngayon ay hindi na dapat palaging sinusunod ang aking sarili dahil ang mga maliliit na desisyon ay maaring makapagpabago at makapagpawala sa katinuan ng aking isip.
“Bagaman wala ng makakabalik sa nakaraan at magsimula muli pero kahit sinuman ay makakapagsimula ngayon at makaroon ng bagong katapusan.”
Mabuhay…