“Anumang bagay na karapat-dapat na gawin,” ay isang bahagyang mapagmataas na bersyon ng lumang kasabihan, “ay nagkakahalaga ng masamang paggawa.” Ang pagiging perpekto, pagpapaliban, at paralisis ay tatlo sa pinakamasamang epekto ng alkoholismo sa aking buhay.
May tendensi akong gugulin ang buhay ko sa paghihintay na magbago ang nakaraan. Gusto kong gugulin ang unang isandaang taon ng aking buhay na plantsahin lahat ng gusot at sa susunod na daang taon na talagang mabuhay. Ang gayong inklinasyon na iwasan ang pagsuong sa mga pakikipagsapalaran, ang pag-iwas sa paggawa ng anumang masama, ay humadlang sa akin na gawin ang ilan sa mga bagay na pinakanatutuwa ko, at pinigilan ako nito mula sa regular na pagsasanay na nagbubunga ng pag-unlad.
Kung ayaw kong gawin ang isang gawain nang hindi maganda, hindi ko maaasahan na magkaroon ng pag-unlad patungo sa pagkatuto na magawa ito ng maayos. Ang tanging gawain na maaari kong pagpanggapan na akin nang nagawa ay ang mga bagay na hindi ko pa talaga nagawang ganap.
Paalala sa Araw na Ito
Hinihikayat ako ni Al-Anon na makipagsapalaran at isipin ang buhay hindi bilang isang komand performans ngunit bilang isang patuloy na serye ng mga eksperimento kung saan ako natututo ng higit pa tungkol sa pamumuhay.
“Lahat ng magagandang damdamin sa mundo ay mas mababa sa isang mapagmahal na gawa.”
James Russell Lowell