Akala ko noon, ang pamumuhay ay nangangahulugan ng pagkaligtas mula sa krisis hanggang sa krisis. Nagpatuloy ako sa ganitong paraan bilang isang may sapat na gulang dahil ito ang tanging paraan na alam ko.
Simula noon, ang samahan ng Al-Anon ay naging parang pamilya sa akin. Ang aming Labindalawang Tradisyon ay tumutulong sa akin na malaman kung paano gumagana ang isang maayos na grupo ng pamilya. Ngayon, kapag may problemang kinasasangkutan ng ibang tao, bumabaling ako sa Tradisyon para sa gabay.
Ginawa nilang posible para sa akin na maging bahagi ng isang grupo na naghihikayat sa aking pag-unlad. Inakay nila akong matutong mag-detats (detach), igalang ang privacy ng ibang tao, at palayain ang aking sarili sa pangangailangang magdomina at pagkontrol. Dahil sa Labindalawang Tradisyon, natuklasan ko na ako ay isang mahalagang miyembro ng anumang grupo kung saan ako kasali. Mayroon akong pakiramdam ng sarili kong halaga, pati na rin ang aking mga limitasyon. Ang resulta, nabubuo ko ang “karunungan upang malaman ang pagkakaiba” sa pagitan ng kung ano ang maaari kong baguhin at kung ano ang dapat kong tanggapin.
Paalala sa Araw na Ito
Dahil ang mga Tradisyon ay nakabatay sa espirituwal na mga prinsipyo, madalas itong kumakapit sa mga personal na bagay gayundin sa mga alalahanin ng grupo. Kapag nasangkot ako sa mga problema sa ibang tao, ang Tradisyon ay maaaring mag-alok ng gabay at pananaw.
“Ang Labindalawang Hakbang at Labindalawang Tradisyon ay naglalaman ng mga prinsipyo na humahantong sa rekoberi at personal na pag-unlad, na tumutulong sa bawat isa sa atin na tuklasin at maging tao na ayon sa kagustuhan natin.”
Sinasalita si Al-Anon Dito